Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Dan, ‘di pabor na paghiwalayin ang mainstream at indie film

FIRST horror movie ni Direk Dan Villegas ang Ilawod at hindi naman niya itinatago na nahirapan siyang gawin ito at nanibago.Tatak kasi ni Direk Dan ang mga rom-com movie  na nag-hit gaya ng English Only Please, Walang Forever, Always Be My Maybe, How to Be Yours, at The Break-Up Playlist.

Gusto rin ni Direk Dan na may bago siyang gagawin at challenge. Hindi ‘yung paulit-ulit na lang at nakauumay.

Bagamat forte ni Direk Dan ang rom-com ay hindi naman daw ito madaling gawin. Sanay lang niyang gawin ito pero may kanya-kanyang difficulties. Kailangang pag-isipan pa rin kung paano magpakilig dahil nauubos din at may timing.

Tampok sa Ilawod sina Ian Veneracion, Iza Calzado, Epy Quizon, Therese Malvar, Xyriel Manabat, at Harvey Bautista.

Bagamat hindi ito natapos at nakahabol sa MMFF 2016, nagandahan naman daw siya sa mga entry na napanood niya gaya ng Babae sa Septic Tank 2, Saving Sally,Sunday Beauty Queen, Vince & Kath &James, at Die Beautiful.

Very honest si Direk Dan na hindi siya pabor na pinaghihiwalay  ang mainstream at indie.

Pasong-paso na raw siya sa term na, ”Ang dapat na mas pinag-uusapan diyan in my opinion ay kung ‘yung pelikula ba ay, is it for consumption. So, consumption meaning, ano ba ‘yan? Rom-com ba ‘yan? Papasok ka ba para kiligin or pag-uusapan ba natin ang social issue?Ang maganda pa ngayon, ‘yung mga pelikula, puwede mong i-grey area, magkakaroon na lang ng labels kung ano ‘yung mas makapal. Sa akin kasi ang point ay dapat may option ‘yung tao kung ano ang gustong panoorin.Okay kung wala ako sa mood na kiligin o matawa o matakot, may ibang pelikulang puwedeng panoorin. And who’s to say na hindi ako maaantig?,” bulalas pa niya.

Sa January 18 na ang showing ng Ilawod na prodyus ng Quantum Films, Tuko Productions, MJM Productions, at Butchi Boy Productions.

ni ROLDAN CASTRO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …