Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Biniling lupa ni Edgar Allan, patatayuan na ng bahay, nakalinya na rin ang pagnenegosyo

HAPPY si Edgar Allan Guzman na may pelikula siyang ipalalabas sa first quarter ng 2017. Ito ‘yung Tatlong Bibe under Regis Films and Entertainment kasama ang tatlong bidang sina Raikko Matteo, Marco Masa, at Lyca Gairanod.

Maganda ang 2016 sa kanya dahil sa rami ng blessings ay nakabili siya ng bagong kotse na pang-taping. Tapos nakakuha siya ng lupa para sa pamilya niya na balak niyang patayuan ng bahay. Kaya need niyang magseryoso talaga sa work.

“Nakaplano na po talaga. Kasi last year, parang hindi pa pumapasok sa akin na ‘uy, kailangan kong mag-ano na para sa pamilya ko”. Ngayon, parang ‘yung utak ko, biglang nagbago na may timeline na agad. O, kailangan, March, tayo na ‘yang bahay, tapos after niyon, negosyo naman para paiikutin mo na lang,” deklara niya sa presscon ng Tatlong Bibe.

Wala pa naman daw siyang plano na mag-asawa at para sa family niya ang mga binabalak niya. Ayaw na niyang pag-usapan ang lovelife niya na may ibang tao na nagja-judge sa kanya at nasasaktan lang siya. Mas mabuti na lang daw ‘yung manahimik.

Pinabulaaanan niya na napapabayaan niya ang trabaho ‘pag nai-in love.

“Kasi kung napapabayaan, hindi ko po magagawa ‘yung mga pelikulang ganyan, hindi po ako makapupunta sa taping, hindi ako makakaraket, hindi ko mapapakain ang pamilya ko,” deklara pa niya.

Palabas na sa March 1 ang Tatlong Bibe at kasama rin sina Eddie Garcia, Dionisia Pacquiao,  Rita Avila, Sharlene San Pedro, Victor Neri, Luis Alandy, Ronnie Lazaro, Anita Linda, JK Labajo with the special participation of Ms. Angel Aquino.

ni ROLDAN CASTRO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …