Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline, apat na taon nang sumasampa sa Poong Nazareno

HINDI si Coco Martin ang nag-influence kay Angeline Quinto na maging deboto ng Mahal Na Poong Nazareno.

“Ten years old pa lang po ako noong nag-start akong mamanata sa Black Nazarene. So noong sa Sampaloc pa po kami nakatira, si Mama Bob (mommy ni Angge) ko po ‘yung nagpakilala sa amin sa Nazareno na every Sunday at first Friday doon kami nagsisimba.

“So noong bata pa lang po ako talagang every January 9 kasi nagpupunta na ako ng Quiapo kasama ‘yung mga tao roon sa lugar namin na sumasama sa prusisyon.

“Peo noong time po na ang Mama Bob naman eh hindi na niya kayang sumama sa prusisyon ako na po ‘yung nagtuloy niyong panata namin. Tapos after noong manalo ako ng ‘Star Power’ doon po ako nag-decide na gusto kong sumampa, gusto kong i-try sumampa roon sa Nazareno.”

Last January 9 ay napabalitang sumampa si Angeline sa prusisyon  ng Black Nazarene.

“Nakakatakot po kasi ‘’di ba minsan talaga may mga namamatay sa sobrang dami ng tao. Tapos hindi mo alam kung ano ang puwedeng mangyari kapag sumampa ka pero may mga grupong tumutulong sa akin kada taon, na taga-Makati chapter sila so kaya po ako nakakasampa ngayon. Pang-apat na taon ko na pong nakasampa noong January 9 dahil sa tulong niyong mga taga-Makati chapter.

“Medyo nahirapan po ako noong nakaraan kasi medyo mabilis ‘yung andar niyong karo kaya medyo natagalan ako noong pababa mula sa itaas kasi hindi ko alam kung kanino ako papasalo kasi hindi ko makita ‘yung mga tumulong sa akin. Pero happy naman kasi nagawa ko pa rin po yung panata ko.”

Natakot raw ang mga tao sa pagsampa ni Angeline.

“Kasi nga babae,” katwiran niya.

Nakilala raw siya niyong mga nasa itaas rin ng karosa ng Mahal na Nazareno.

“Kaya hindi rin po ako masyadong nahirapang umakyat kasi may mga kumuha sa akin para mas madaling makaakyat po roon sa Nazareno. Pero after niyon nakatutuwa kasi ‘yung mga ibang mga deboto nagpapalakpakan sila pagbaba ko kasi safe akong nakababa.”

Ano ang mga hiniling ni Angeline sa Nazareno?

“Honestly po kapag nahahawakan ko siya or nahahalikan ko ‘yung kamay niya wala na po akong hinihiling. Basta kung anuman ‘yung napakagandang nangyari sa buong taon po na nandiyan pa ang Mama Bob ko, ‘yung mga taong mahal ko, may trabaho ako, may bahay kami. So iyon lang. Sobrang thankful lang ako sa 2016 na ready na po ako ngayon sa 2017,” bulalas pa niya sa presscon ng rom-com movie nila ni Jake Cuenca na Foolish Love. Ito ang unang pasabog ng Regal Entertainment ngayong 2017.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …