Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meat nagkalat

Dragon LadyDAPAT maging alerto ang National Meat Authority sa pagkalat ng mga frozen meat sa mga pamilihang bayan sa kalakhang Maynila, gaya sa Pasay City Public Market.

Kabi-kabila ang nagtitinda nito at siguro dapat din maging alerto ang City Health Officer ng bawat lungsod, hindi man agad makaapekto sa kalusugan ng tao na makakakain ng frozen meat, may pangamba na ang bakteryang nakakapit dito ay unti-unting kumalat sa katawan ng tao.

At sa takdang oras ay malalaman na ang dahilan ng isang malubhang sakit ay sanhi ng pagkain ng frozen meat.

***

Kamakailan ay nasabat ang napakaraming kilo ng frozen meat sa Barangay Bio, Tagudin, Ilocos Sur. Ang nasabing karne ay mula sa bayan ng Imus, Cavite na ide-deliver sana sa malalaking supermart at groceries sa Vigan at Laoag City, at walang National Inspection Cerificate ang nasabing karne. May certificate man ay hindi tama ang dami ng karne na dapat ikarga sa trak, bagkus ay lampas sa inaprubahang bilang o kilo ng karne na kadalasan ay may halong imported meat.

***

Kaya mga ‘igan delikadong kainin ang mga imported frozen meat dahil hindi natin alam ang kalidad nito! Kung gusto mo pang mabuhay nang matagal!

SINGIL SA ELEKTRISIDAD
MAGTATAAS

Kung tuloy-tuloy ang pagtaas ng krudo at langis, nagbabanta na naman tumaas ang elektrisidad sa buwan ng Marso bunsod umano ng isasagawang shutdown sa Malampaya Power Plant na isasailalim sa maintenance.

Sabi ng Meralco, isasailalim sa masusing validation kung magkano ang talagang idadagdag nilang singil sa elektrisidad. Sa buwan ng Pebrero ay makakaranas na ng manipis na reserba ng koryente bunsod ng Malampaya shutdown. Nauna nang ipinahayag ng Department of Energy na posibleng magtaas sa yellow alert sa 13-17 Pebrero 2017, dahil magiging manipis na ang reserba ng koryente, kaya paalala ng Meralco, panatilihin ang pagtitipid sa paggamit ng koryente!

***

Gasolina tumaas, koryente naman ngayon, mukhang ayaw na talaga paawat sa paghihirap ang ating bansa, kahit sino pang Pangulo ang maupo!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …