Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy D, nakipagsabayan kay Eddie Garcia; BF kasa-kasama sa shooting

HINDI sinamantala nina Direk Joven Tan na ipalabas ang Tatlong Bibe noong kasikatan ng kanta nito last year dahil intended talaga ito sa Metro Manila Film Festival 2016. Sad to say, hindi ito pinalad sa Top 8 na kasali sa filmfest pero naniniwala siya na may magandang purpose si God kung hindi man ito napasama.

Bagamat comedy ang nasabing nursery rhyme ginawa niyang drama ito sa pelikula para maiba. ‘Pag comedy kasi ay baka fantasy ang maging ending. Tumatalakay ito sa pag-asa, pagbibigay, pagpa­patawad, pagmamahal, at Filipino values.

Bida sa Tatlong Bibe sina Marco Masa, Raiko Matteo, at Lyca Gairanod.

Isa sa pasabog ng pelikula ay si Mommy Dionisia dahil hindi siya nagpatawa kundi nagdrama bilang asawa ni Eddie Garcia.

Ang pagiging komedyante ni Mommy D ay inilalaan ni Direk Joven sa gagawing launching movie ng ina ni Manny Pacquiao sa Regis Film Entertainment. Ang tentative title ay Lady D and the Wonder Bra. Si Derek Ramsay ang  napipisil nilang leading man.

Ayon pa kay Direk Joven, nakipagsabayan kay Eddie ang ina ni Pacman. Wala raw attitude si Mommy D sa shooting pero laging may kasamang dalawang bodyguards. Sumasama rin daw ang boyfriend ni Mommy D sa set.

Anyway, ang premiere night ng Tatlong Bibe ay sa February 13 sa SM Megamall.

Sa March 1 ang showing nito na kasama sa cast sina Edgar Allan Guzman, Rita Avila, Luis Alandy, Sharlene San Pedro, JK Labajo, atbp..

Ito ang comeback movie  ni Mommy D pagkatapos ng pelikula niya noong 2009 na Tanging Pamilya with Mayor Erap Estrada, Ai Ai delas Alas, Sam Milby, at Toni Gonzaga.

Sinabi rin ni Direk Tan na wala silang pinatay na hayop sa kabuuan ng movie kahit may isang bibe na namatay. Actually, kung ano raw ang pag-aalagang ginawa nila sa mga artista ay ganoon din ang treatment nila sa mga bibe at iba pang hayop na mapapanood sa pelikula.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …