Thursday , December 26 2024

John, hindi matanggap ang pagkaka-appoint kay Mocha

HINDI matanggap ni John Lapus ang pagkaka-appoint ni Presidente Duterte kay Mocha bilang board member ng MTRCB.

Sa kanyang Facebook post ay sinabi niyang, ”I promised myself no nega post for 2017. Pero tangna naman Mocha in MTRCB?”

At sinundan niya pa ang post na ‘yun sa pagsasabing si Mocha raw ay nagtuturo sa mga lalaki kung paano kumain ng pechay, na ang ibig niyang sabihin ay ang ari ng isang babae.

Ibig sabihin ni Sweet, ang mga katulad ni Mocha na isang bold star at bastos ang itinuturo sa mga kalalakihan ay hindi deserving mapabilang bilang board member ng MTRCB.

Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Mocha kapag nakarating sa kanya ang FB post na ito ni Sweet?

Hindi lang si Sweet kundi marami pang ibang artista ang hindi matanggap na member na ng MTRCB si Mocha. Pero para sa aming opinyon, bakit hindi nila bigyan ng chance ang dalaga. Malay natin may magawa siya sa MTRCB, ‘di ba?

At ang nakatutuwa kay Mocha, sinabi niya na ‘yung susuwelduhin niya sa MTRCB ay ido-donate niya lang sa DSWD at sa Duterte’s Kichen. O ‘di ba, bongga si Mocha?

( ROMMEL PLACENTE )

About Rommel Placente

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *