SA buong taon ng 2016 mula Enero hanggang Disyembre, nanguna at pinanood sa mas maraming kabahayan sa buong bansa ang mga programa ng ABS-CBN sa pagtala nito ng average audience share na 45%. Ito ay base sa datos mula sa multinational audience measurement provider na Kantar Media.
Nanguna sa lahat ng time blocks ang ABS-CBN, lalo na sa primetime (6:00-12 m.n) na nakakuha ito ng 49%.
Numero uno rin sa morning block (6:00 a.m.-12 noon) ang ABS-CBN at nakakuha ng 39% ; sa noontime block (12noon-3:00 p.m.) na nagtala ng 44% ; at sa afternoon block (3:00 p.m.-6:00 p.m.) na nagkamit naman ito ng 44% .
Samantala, ABS-CBN din ang namayagpag sa listahan ng mga pinakapinanood na programa noong 2016, dahil 16 Kapamilya programs ang kasama sa top 20 regularly airing programs mula Enero hanggang Disyembre 2016 (maliban sa Holy week). Una nga sa listahan ang FPJ’s Ang Probinsyano (40%) na sinundan ngThe Voice Kids (37.6%), Pangako Sa ‘Yo (34.3%), Dolce Amore (33.8%), Pilipinas Got Talent (31.9%), Dance Kids (31%), Wansapanataym (30.7%), TV Patrol (30.6%), Pinoy Boyband Superstar (30%), at MMK 25 (29.9%).
Kasama rin sa listahan ang Home Sweetie Home (24.9%), Magpahanggang Wakas (24.4%), Goin Bulilit (23.3%), Rated K” (21.3%), Minute to Win It: Last Man Standing (20.3%), at On The Wings of Love (19.9%).
Ang ABS-CBN special na PiliPinas Debates 2016 ang pinakapinanood na programa noong 2016 na nakakuha ng national TV rating na 40.6%. Pasok din sa listahan ang one-time specials na Meron Akong Kwento: Ang Himig ng Buhay Ko (32.9%) at Halalan 2016: Ang Huling Harapan (25.7%).
Ang mga pinakapinanood na programa sa iWant TV noong Disyembre ay FPJ’s Ang Probinsyano, Doble Kara, Pinoy Big Brother Lucky Season 7, The Greatest Love, Till I Met You, at Magpahanggang Wakas.
TALBOG – Roldan Castro