Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bahay nina John Lloyd at Toni, sinalanta ng ipo-ipo

GUESTS sina Allan Paule at Vangie Labalan sa Home Sweetie Home ngayong Sabado.  #HSHByebyeBahay  ang hashtag.

Planong ibenta nina Romeo (John Lloyd Cruz) ang kanilang bahay bilang preparasyon sa paglipat. May mga dumaRating na nag-i-inquire pero tinatakot sila paalis ni Obet—umaasta siyang siga, gumagawa ng kUwento tungkol sa mga patay.

Ngunit may isang buyer na si Mr. Porres (Allan Paule) na napakainteresado sa bahay at malaki ang offer na pera kina Julie (Toni Gonzaga). Pero balak pala ni Mr. Porres ipabakbak ang bahay dahil magpapatayo siya ng bagong unit.

Pero bago pa man magkaroon ng final decision, nagkaroon ng delubyo—may dumating na ipo-ipo at malakas na ulan. Nasalanta ang barangay at kasama sa nagiba ay ang bahay nina Romeo. Kabado ang lahat lalo nang kailangan lumikas.

Si Romeo, laking gulat nang makauwi galing trabaho at nakitang nasalanta ang kanilang lugar. Sobrang alala siya sa kanyang pamilya. Pero ligtas sila, walang nasaktan. Laking pasasalamat ni Romeo sa mga kapitbahay na malalapit na kaibigan na sina Mang LA, Pinong, at Obet dahil sila ang umalalay at tumulong kina Julie.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …