Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Operation linis sa Baclaran

Dragon LadySINIMULAN na ang clearing operation sa Baclaran, Parañaque. Wala na ang illegal vendors na pinagbigyan noong panahon ng kapaskuhan na makapagtinda nang sa gayon ay maging maganda rin ang pagdiriwang nila ng kanilang pamilya.

Ngunit ang lahat ay may katapusan, kaya tapos na ang kanilang maliligayang araw.

***

Pero teka, may matitigas pa rin ang ulo, gamit ang may gulong na lalagyan ng kanilang paninda na nakabitin at naka-hanger ang mga damit na paninda. Kapag natanaw na padating na ang mga tauhan ng operation clearing ay kanya-kanyang tulak ng mga paninda na de gulong at kanya-kanya ring pasok sa mga eskinita. Talagang madidiskarte ang illegal vendors!

***

Problema lang kapag nagtakbuhan ang mga de gulong, walang pakialam kung may masagasaan na tao, hindi nakatutuwa! Dapat siguro ay kompiskahin ang mga de gulong na sabitan ng mga paninda!

***

Mahigpit ang direktiba ni Mayor Edwin Olivarez sa paglilinis ng Baclaran, at kanyang inatasan si City Administrator Ding Soriano, kasama ang pulisya na nagmamantina ng clearing operations.

***

Tapos na ang araw ng kapaskuhan, puwede nang mamahinga muna ang precinct commander ng Baclaran. Mantakin ninyo, P1,000 piso ang “goodwill money” ng bawat nagtindang vendors. Sa dami ng vendors, hindi na madaanan ang kalsada, kahit bisikleta ay hirap! Masaya ang naging Pasko ni PCP Baclaran commander!

***

Biniro ako ng isang kasamahan kong photographer, gusto raw akong makilala at biglang ideyt ng precinct commander, matapos natin kurutin sa kolum na ito. Sagot ko sa ating kaibigan, kaya kong kumain galing sa aking pinagpawisan! Bibig-yan daw ako ng regalong rice cooker… sagot ko, ‘di bale na lang baka may complainant! Buti na lang ‘di natuloy, baka ihampas ko pa sa ulo niya!

***

Ang Baclaran ay ‘bigasan’ ng mga tiwaling opis-yal. Maraming yumaman sa lugar na ito! Matagal nang problema ang lugar na ito sapol pa ng mga naunang administrasyon. Buti na lang ay may proyektong gagawin ang administrasyong Olivarez, malapit nang malutas ang problema dito, ‘di ba Admin Soriano?

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …