Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vhong, gusto ring gawin ang Pacifica Falayfay ni Mang Dolphy

HUHUSGAHAN na bukas ang pelikula ni Vhong Navarro na Mang Kepweng Returns. Ibang level kay Vhong na ini-remake niya ang pelikula ni Chiquito.

Maging matagumpay kaya ang resulta nito gaya ng paggawa niya noong araw ng Agent X44 ng tinaguriang James Bond of the Philippines na si Tony Ferrer? Makabawi na kaya si Vhong dahil ‘yung huling pelikula niya na Buy Now, Die Later ay naging so-so lang sa takilya?

“Ang nagpapalakas po sa akin ng loob ay ang pagdarasal ko po. Siyempre, hindi po natin alam, eh. May mga bagay po na Diyos lang ang nakaaalam kung ano po ang mangyayari sa buhay natin. Ang lahat po ng bagay ay iniaalay ko sa kanya. Kung hindi po mag-click, kung mag-click nasa Kanya po ‘yun. Siguro po naging daan itong January 4 na iso-showing….kasi kung ipinalabas kami sa MMFF, baka hindi po kami maging masaya kasi po marami ring magagandang mga pelikula na kaparehas po ng tema na comedy. Tatlo po kami that time, eh. Nangyari po na ang January 4 ay nagso-solo kami sa comedy, suspense and fantasy, baka po may isang magandang senyales. Sinasabi ko nga sa dasal ko, ano po ang magandang playdate para sa amin, nagkataon po ang ibinigay na playdate sa atin ay mismong kaarawan ko kaya parang may magandang senyales. May kaba pero masyado po akong nai-excite,” bulalas ni Vhong.

Nakikiusap siya sa netizens na regalo na lang sa birthday niya na tangkilikin ang pelikulang ito dahil kasabay ng showing ang kaarawan niya.

Samantala, gusto ring gawin ni Vhong ang iba pang pelikula ni Chiquito gaya ngAsiong Aksaya at Mr. Wong kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

Proud si Vhong sa pagkukuwento na may eksena na makakausap niya si Chiquito (Mang Kepweng) sa pamamagitan ng teknolohiya. Sigurado rin siyang makare-relate ang mga millennial sa pelikula niya.

Sinabi rin ni Vhong  na wish din niyang makagawa ng dating pelikula ng Comedy King na si Mang Dolphy gaya ng Pacifica  Falayfay.

Anyway, marami ang nagtatanong kung bakit wala sa presscon ang leading lady niyang si Kim Domingo sa Mang Kepweng Returns? Inisnab ba ng Kapuso sexy star ang malaking presscon na ito na magpapadagdag ng exposure niya? Happy pa naman si Vhong na naka-trabaho niya ang mga nasa ibang nasa network lalo na siJaclyn Jose.

Kasama rin sa pelikula sina Louise delos Reyes, Sunshine Cruz, Juancho Trivino, James Blanco, Pen Medina, Valeen Montenegro, Jhong Hilario, Jackie Rice, Jobert Austria, Alex Calleja, Balang, Josh de Guzman, Chun Sa, Crazy Duo, Xia Vigor, Tuko, Gerhard Acao, Petite at marami pang iba.

Ito ay sa prodyus ng Cineko Production at mula sa direksiyon ni GB Sampedro.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …