WALANG pila sa lobby ng sinehan sa opening day ng Metro Manila Film Festival. Hindi aligaga ang mga tao sa ticket booth ng mga cinema. Hindi nag-uunahan o nagtutulakan sa pagbili ng tickets.
“Nakakaloka, walang pila sa sinehan.Parang regular movie days lang. As in hindi ka maha-haggard sa pila hindi gaya rati,” text ng isang friend na mahilig manood ng sine.
Ibang-iba ang atmosphere na rati ay nagkakagulo ang mga tao sa sinehan. ‘Yan ang sinasabi nilang ‘change is coming’. ‘Di ba Mae Paner?
Hindi talaga puwedeng idikta sa mga manonood kung ano ang mga panonoorin nila. Hindi pa handa ang masa sa mga quality movie at pang-award. Mas gusto ng moviegoers ‘yung mababaw lang ang kuwento pero nag-i-enjoy sila.
Nakalulungkot ang mga kuwentong nasasagap namin na walo lang ang tao sa sinehan, ‘yung iba ay lima lang ang nanonood o kaya ay dalawa lang.
Hindi rason ‘yung sinasabi nila baka puyat ang mga tao sa Noche Buena o dahil may bagyong Nina. Dati naman ‘pag December 25 siksikan at maingay sa labas ng sinehan.
After ng ilang araw na pagpapalabas ng mga kasaling entry sa MMFF, malalaman na kung aling pelikula ang mawawala sa mga sinehan dahil tapos na ang two days guarantee ng mga sinehan na walang ipu-pullot sa mga kalahok kahit nilalangaw.
( Roldan Castro )