Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora, ‘di raw tinanggihan ang Oro; tinanggal nga ba?

IPINALIWANAG ni Nora Aunor na hindi niya tinanggihan ang pelikulang Oro kundi tinanggal siya. Tatlong araw daw siyang nasa Caramoan pero isang araw lang siyang kinunan.

Nagulat na lang daw siya dahil tapos na ang pelikula at pinalitan na siya ni Irma Adlawan.

Nag-one line pa siya sa presscon at Christmas Party ng Metro Manila Film Festival 20016 ng, “Inalis ka..hindi ako nagagalit.” Makahulugan ang tinuran na ‘yun Superstar.

“Mabait naman ako kaya lang may oras na hindi ako napipigilan,” dugtong pa niya.

Anyway, ayaw pag-usapan sa grand presscon ng Oro ang pagkakatsugi ni Ate Guy.

Hindi tuloy malinaw sa amin kung totoo ang chism na nakuha na umano ni Nora ang buong TF niya sa pelikula pero ayaw daw ibalik. How true?

Totoo rin ba ang tsismis na pagbalik ni Ate Guy sa Maynila ay ayaw na niyang bumalik sa Caramoan?

Sino kaya ang puwedeng sumagot ng mga katanungang ito dahil ayaw naman ng produksiyon ng Oro na maging sentro pa ito ng isyu.

Official entry ng MMFF ang Oro kalaban ang Kabisera na entry ni Ate Guy sa MMFF.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …