Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Koreen Medina, handa na sa ngitngit ng AlDub fans

BALANSE sa oras ang ibinibigay ni Alden Richards sa pagiging aktor, commercial model, TV host, at negosyante.

Dalawa na ang Concha’s Restaurant ni Alden na-kapartner siya. Isa sa Tagaytay at ang kabubukas lang sa Sct. Madrinan cor. Tomas Morato tapat ng Il Terrazzo.

Marami ang natutuwa dahil nakikitang napupunta sa maganda ang mga kinikita ng Pambansang Bae.

Anyway, may pasabog sa 2017 sa serye ni Alden kasama si Maine Mendoza na Destined To Be Yours.

Inilantad na ang ka-love triangle ng AlDub na si Koreen Medina na produkto ng Starstruck. Sa rami ng artista na nag-audition, si Koreen ang pumasa. Maganda raw ang rehistro nito sa screen dahil dating beauty queen ito.

Ang dapat ihanda ni Koreen ay ang ngitngit ng fans at bashers. Pero handa na siya sa violent reaction ng AlDub ‘pag dumating ang eksenang sweet-sweetan ito.

Isa pang tinik at pag-iinitan ng fans ay si Juancho Trivino na may secret na pagtingin kay Maine.

Walang gusot kina Alden at Juancho .Winelcome pa nga raw ni Alden ang guwapong Kapuso actor.

Kahit may serye ang AlDub, hindi naman daw tuluyang mawawala ang dalawa saEat Bulaga.

ni ROLDAN CASTRO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …