MARAMI ang nakami-miss kay JM de Guzman na original cast ng Ang Babae Sa Septic Tank pero sa Ang Babae Sa Septic Tank 2 (#ForeverIsNot Enough) na ipalalabas sa Metro Manila Film Festival sa December 25 ay hindi na kasali ang aktor.
“Well of course ano, we’re saddened by the fact na wala siya rito, ‘di ba?,”sambit ni Kean Cipriano.
Ano ang masasabi niya sa sitwasyong may kinalaman sa droga na kinasangkutan ni JM?
“I just don’t talk about it, I just don’t wanna talk about it. I love the person, so. At wala ako sa posisyon para magsalita,” sambit niya.
Nanghinayang si Kean na hindi na kasama si JM sa movie lalo’t ito ang co-star niya sa first movie na ginawa niya.
“Oo naman, oo naman. But you know everything happens for a reason. Alam mo ‘yun?And all in God’s will and God’s plan, you know, iyon naman ang pinaniniwalalan ko,” sey pa niya.
Tampok sa Ang Babae Sa Septic Tank 2 (#ForeverIsNotEnough) Eugene Domingo, Jericho Rosales, Joel Torre, Agot Isidro atbp..
Ito ay prodyus ng Martinez-Rivera at Quantum Films in association with Tuko Film Productions, Butchi Boy Films and MJM Productions.
Special kay Kean ang Ang Babae Sa Septic Tank movies.
“Bukod sa ito ‘yung unang pelikulang ginawa ko ever sa buhay ko, ‘yung part 1, una ko, una ni direk Marlon, paborito ko ‘yung mga kasama ko, paborito ko ‘yung direktor, paborito ko ‘yung writer, paborito ko ‘yung actors na kasama ko, so alam mo ‘yun?Sobrang quality ‘yung pelikula to a point na dahil wala kaming iniisip na, ‘O dapat ganito tayo, may ganyan’, gusto lang talaga namin magkuwento, gusto naming makapaglabas ng pelikula na alam mo yun, matutuwa ang mga tao.
“Sabi nga nila, ‘Mataas ba masyado, matalino ba?’
“Magkaiba ‘yung mataas sa matalino, alam mo ‘yun? Kumbaga like ‘yung comedy ni Vice Ganda matalino ‘yun, ‘yung comedy ni Wenn Deramas, matalino ‘yun.
“’Yung comedy ni Bossing (Vic Sotto), matalino ‘yan, si Dolphy, matalino ‘yung comedy nila. I mean hindi sila mapupunta sa position nila kung hindi sila genius or best on what they do, ‘di ba?
“Kasi ito ‘yun eh, the fact na maraming taong tumatangkilik sa pelikula nila eh ibig sabihin may ginagawa silang tama. May ginagawa silang maganda.
“So hindi mo makukuwestiyon ‘yun at hindi mo siya maikukompara sa isang pelikula na let’s say indie na nakatatawa at… alam mo ‘yun?
“Parang sa akin kasi, ano ‘yan eh, ang pelikula ay preference, parang kanta ‘yan, mayroon kang kanta na gusto na ayoko, mayroon akong gusto na ayaw mo.Or may maganda sa akin, sakto lang ‘yo,” deklara pa ni Kean.
***
PATALBUGAN at kanya-kanyang pasilip ang mga kandidato ng Search For Mr. White Bird 2017 ngayong gabi, December 21, 9:30 p.m. sa White Bird Entertainment Bar, Roxas Boulevard (malapit sa Baclaran Church).
On The Wings Of Love ang tema ng taunang pakontes.
Magpapayanig at magpasasabog ang mga nagguguwapuhan, fresh, at seksing kandidato para makuha ang titulo. Sino kaya sa kanila ang maghe-hello ang kanilang ‘Christmas Balls’? Bigla kayang dumungaw ang kanilang palabang espada sa kanilang showdown?
Sino ang mapangahas sa mga kandidato ang magsusuot ng t-back lang, one side bikini o kamay lang ang takip?
For reservation and inquiries tumawag sa 8512088 at 8512089.
ni ROLDAN CASTRO