Sunday , December 22 2024

Baril ng PNP delikado kapag ‘di sinelyohan

Dragon LadyKAPAG sasapit ang paghihiwalay ng taon, marami sa mga biktima ng ligaw na bala ay mula sa mga pulis ang baril na ginamit.

Nakapagtataka na hindi seselyohan ngayon ang mga armas ng pulis. Hindi kaya ang dahilan ay isasabay ang OPLAN TOKHANG sa mga sangkot sa droga sa oras ng putukan ng firecrackers?

***

Isang katanungan na bumabalot ngayon sa taongbayan, ang hindi pagpapalabas ng direktiba ng PNP na hindi seselyohan ang armas ng mga pulis. Hindi ba delikado ito? Paano kung isang paslit ang tamaan ng ligaw na bala? Isang batang may magandang kinabukasan… kawawa naman!

***

Kung ako ay may kaanak na nasangkot sa ilegal na droga at kahit pa minsan ay sumurender na, dating talamak sa ilegal na droga o nagsuplay nito, at nagbabago na, mabuti pa magbakasyon muna kayo! Delikado na kayo ay hindi tamaan ng ligaw na bala kundi diretso talaga sa inyo ang bala!

Arayyyyy!

***

May blessings daw mula sa Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagaganap na extrajudicial killings, totoo ba? Ngayon kung gusto ninyong mapabilang, bahala kayo! Ang sinasabi lang, posibleng mangyari ‘di po ba?

***

Isipin ninyo, bakit hindi seselyohan ang mga baril ng mga pulis? Bahala na kayo mag-isip!

PARANG HINDI NAGHIHIRAP ANG PINOY

Ang Pinoy talaga kapag may uso, laging sunod.

Sa araw ng Pasko, pagkatanggap ng mga bonus at 13th month takbo na sa mga mall, Baclaran o Divisoria, ubos-ubos biyaya, maipagdiwang lamang ang araw ng Pasko. Pagsapit ng buwan ng bagong taon, nganga!

‘Yan ang Pinoy!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *