Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arci, namangha sa kahulugan ng extra service

TINANONG ang tatlong leading men ng pelikulang Extra Service na sina Ejay Falcon, Vin Abrenica, at Enzo Pineda. Manghang-mangha si Arci Munoz kung ano ang ibig sahihin ng extra service.

Hitsurang pa-virgin effect ang dating.

Anyway, nag-deny ang tatlong lalaki pero aminado sina Ejay at Enzo na nagpapa-home service para magpamasahe.

“Hindi po ako, malinis po ako,” tugon ni Vin sabay tawa.

“Extra rice lang ang natitikman ko,” dagdag pa niya.

Wala naman daw nagtatanong kina Ejay at Enzo ‘pag nagpapamasahe kung gusto raw nila ng extra service. Pero tinatanong daw si Enzo kung gusto magpa-extend ng massage.

Si Vin naman daw ay tinatanong lang kung hard or soft, kung hard daw ba o harder?

Samantala, tampok ang Extra Service bilang opening salvo ng Star Cinema at Skylight Films sa   January 11, 2017. I-experience ang kasiyahan, adventure, at tawanan kasama sina Coleen Garcia, Arci, at Jessy Mendiola at alamin kung magtatagumpay ang #SexySquad sa kanilang misyon.

Naluha at inubo kami sa katatawa sa Ang Babae sa Septic Tank

NAPANOOD naming ang MMFF entry ni Eugene Domingo na Ang Babae sa Septic Tank 2. SIya lang ang puwedeng gumawa sa karakter na ‘yun sa pelikula. Malaki ang laban niya sa filmfest bilang Best Actress. Ibang Eugene ang ipinamalas niya sa kanyang comeback movie. Effective ang dalawang taong pamamahinga niya dahil bago ang nailabas niya.

Maluha-luha kami at inubo sa sobrang tawa sa ending ng pelikula. Havey talaga.

Naniniwala kami na maaabot ng masa ang comedy nila dahil nagawang matino ang patawa nila sa Ang Babae sa Septic Tank.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …