Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luis, nagbirong maghuhubad din nang mapanood ang lovescene nina Enchong at Jessy

KUWENTO ni Enchong Dee pagkatapos ng premiere night ng Mano Po 7: Chinoy, nagbiro raw si Luis Manzano habang pinanonood ang love scene nila ni Jessy.

“Nakatatawa nga kasi magkasunod ‘yung pagtanggal namin ng damit ni Jessy (sa MP7) Tapos narinig ko siya (Luis), ‘magtanggal na rin kaya ako ng damit.”  Alam naman ni Luis ‘yung trabaho namin, so. . .at saka artista rin si Luis, alam niya rin ‘yun,” bulalas ni Enchong.

Nailang ba siya?

”Hindi. I’m actually proud doon sa ginawa ko, kasi alam niya na may respeto ‘yung paghawak ko kay Jessy, ‘di ba?,” pakli ng aktor.

Maganda ang feedback sa akting ni Enchong sa pelikula.

Pumasok ba sa isip niya na pwede siyang maging Best Actor kung pumasok ito sa Metro Manila Film Festival.

”Oo naman, naisip ko rin naman ‘yun, pero kasi, tapos na, eh. Kbaga, ang pwede na lang naming gawin is respetuhin ‘yung pagbabago na ibinigay ng Metro Manila Filmfest committee. Next year, subukan ulit natin kung mabibigyan ng pagkakataon, ‘di ba?

”Pero sa ngayon. . .katulad nga, like kayo, napanood ninyo, at least, nakatatak sa inyo kung anuman ‘yung klase ng role na ginampanan namin.”

Nanghinayang ba siya?

“May panghihinayang, oo. Pero sabi ko nga, siguro,  after ng tatlong araw, nag-move-on na rin ako,” deklara pa niya.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …