SUMUNGKIT na naman ng parangal kamakailan ang actor, director, producer na si Jacky Woo sa 2016 International Filmaker Festival of World sa Milan, Italy. Ito ay para sa kategoryang Best Lead Actor in a Foreign Language para sa pelikulang Tomodachi. Nanalo rin ang pelikula nilang ito bilang Best Hair Make-up & Body Design at Best Cinematography in a Foreign Language Film for Kaikou.
Aminado si Jacky na habang ginagawa noon ang Tomodachi ng Global Japan Incorporated ay inspirado siya. Ito’y mula sa direksiyon ni Joel Lamangan at tinampukan din nina Eddie Garcia, Bela Padilla, Pancho Magno, at Hiro Peralta.
Ayon pa kay Jacky, nagpapasalamat siya na nakatrabahong muli si Direk Joel dito dahil itinuturing ni Jacky na si Direk Joel ang pinakamagaling na direktor sa Pilipinas.
Ang pelikulang Tomodachi (na ang kahulugan ay kaibigan) ay hinggil sa pagmamahalan nina Toshiro (Jacky) at Rosalinda (Bela). Isang pag-iibigan sa pagitan ng isang sundalong Hapon at Filipina na naganap sa sa ilalim ng digmaan.
Sa panayam namin sa kanya noon, ipinahayag pa ni Jacky na panagarap niyang kilalanin bilang dramatic aktor, kaya inspirado at bigay-todo raw siya sa pagganap dito sa Tomodachi.
Last July ng taong ito, nanalo rin ang Tomodachi bilang Best Foreign Language Feature Film sa 2016 Madrid International Film Festival at tinalo ang labing-dalawang pelikula mula sa iba’t ibang bansa. Napanalunan din nito ang Best Musical Score para kay Jacky Woo at Emerson Teczon. Na-nominate din ito for Best Screenplay for a Foreign Language Feature Film. Ang nagsulat ng screenplay ay si Eric Ramos.
Anyway, malaking bagay din ito para sa Pinoy Film Industry dahil mas gaganahan pa si Jacky para mag-produce ng maraming pelikula gamit ang mga production staff na Pinoy na lagi niyang sinusuportahan. Ganyan kabait at ka-supportive si Jacky, hindi siya nagsasawang tumulong sa Pinoy showbiz industry.
Sadyang may pusong Pinoy ang Japanese actor, dahil bukod sa itinuturing niyang second home ang Pilipinas, gusto niya ritong mamalagi at magtrabaho. Kaya nagtayo na rin siya ng business sa ating bansa. Isang restaurant ito na ang pangalan ay Kusina Lokal. Ito’y nagtatampok sa masasarap na pagkaing-Pinoy sa halagang abot-kaya. Matatagpuan ito sa Unit 20, Eton Centris Walk, Quezon Avenue, EDSA, Quezon City. Bukas ito ng 24 hours at sa mga gustong magpa-deliver or para sa reservation, puwede silang tumawag sa 372-71-60.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio