ITINALAGA na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong mahistrado ng Sandiganbanyan.
Sa transmittal letter ni Executive Sec. Salvador Medialdea kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, hinirang ni Pangulong Duterte si dating Quezon City Branch 79 RTC Judge Bernelito R. Fernandez bilang bagong Sandiganbayan justice.
Pinalitan ni Fernandez ang nagretirong si Associate Justice Teresita Diaz-Baldos.
May tatlo pang mababakanteng puwesto sa Anti-Graft Court dahil sa nagretirong si Justice Jose Hernandez at maagang retirement nina justices Napoleon Inoturan at Roland Jurado.