Monday , December 23 2024
Andrea Torres Dingong Dantes Marian Rivera
Andrea Torres Dingong Dantes Marian Rivera

Andrea Torres, pinagseselosan daw kaya kinausap ni Marian

MARIIN ang pagkakabitaw ni Andrea Torres ng salitang ’single ako’ . Hindi detalyado pero parang break na sila ng rumored boyfriend niyang si Sef Cadayona dahil bihira na ang komunikasyon nila since September.

Mukhang pinanindigan din ni Andrea na never na naging sila ni Sef dahil malutong din niyang sinabi na hindi naman naging sila.

Hindi rin nakaligtas si Andrea sa tsikang pinagseselosan siya ni Marian Riverabilang isa sa leading ladies ni Dingdong Dantes sa serye nito.

Totoo bang kinausap  siya ni Yan (Marian)? Hindi raw totoo ‘yun dahil wala raw siya noong dumalaw si Marian sa set. Late call daw siya at hindi raw sila nagkita. Imposible raw na magkaisyu sila at magkaroon ng friction ni Marian dahil ate-atehan niya ito at kuya-kuyahan naman si Dingdong.

Actually, pinadadalhan pa nga raw niya si Marian thru Dingdong ng pagkain gaya ng polvoron at bread pudding.

Kung naiintriga man si Andrea kay Dingdong kompara kay Megan Young ay dahil siguro sa eksena nilang sexy, kissing scene, at pagpi-flirt  kay Pepe (karakter ni Dong).

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *