IPINAGDASAL pala ni Enchong Dee na sana ma-nominate man lang siya sa performance niya sa Mano Po 7:Chinoy para sa Metro Manila Film Festival. Pero nalungkot siya dahil ang una sanang ipinagdasal niya ay pumasok sa film festival ang MP7. Dapat daw pala ay detalyado ang pagdarasal.
Anyway, puring-puri ni Mother Lily Monteverde ang galing ni Enchong sa pelikula na ipalalabas sa December 14. Lumutang daw ang akting ni Enchong sa confrontation scene niya with Richard Yap.
Anyway, may paradang magaganap sa Binondo ang Mano Po 7: Chinoy sa pangunguna nina Richard, Jean Garcia, Janella Salvador, Jake Cuenca, Enchong Dee, Jessy Mendiola, Marlo Mortel, Eric Quizon bukas, Linggo, Dec .11, 4:00 p.m. ang assembly sa Lucky China Town.
TALBOG – Roldan Castro