Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

FPJ’s Ang Probinsyano, walang kupas sa pagiging no. 1

WAGING-WAGI pa rin sa mas maraming kabahayan sa buong bansa ang mga programa ng ABS-CBN dahil sa nakuha nitong national average audience share na 44% sa buwan ng November, base sa datos ng Kantar Media.

Samantala, walo naman sa 10 pinakapinanonood na programa sa bansa ay mula sa ABS-CBN, sa pangunguna pa rin ng FPJ’s Ang Probinsyano na nagtala ng national TV rating na 35.4%. Pumangalawa naman dito ang TV Patrol sa national TV rating na 32.2%.

Kasama rin sa top 10 programs noong Nobyembre ang Wansapanataym (28.7%), Pinoy Boyband Superstar (27.3%),  Home Sweetie Home (26.6%), Goin’ Bulilit (25.9%),  Magpahanggang Wakas (24.5%), at TV Patrol Weekend (24.3%).

Kagaya sa nakaraang mga buwan, It’s Showtime rin ang piniling panoorin ng mas maraming Filipino sa tanghali. Nakakuha ito ng national TV rating na 17.6% sa weekdays at 19.5% sa Sabado.

Nananatili namang top-rater ang legal drama na Ipaglaban Mo tuwing weekend sa national TV rating nitong 19.3%.

Agad namang sinubaybayan ang morning series na Langit Lupa, na inilunsad din noong Nobyembre. Nagtamo ito ng 17.7%.

Bukod pa sa TV, inabangan din ng mga Filipino ang mga programa ng ABS-CBN sa video-on-demand service nitong iWant TV. Noong Oktubre, pinakatinutukan sa iWant TV ang Pinoy Big Brother Lucky Season 7, FPJ’s Ang Probinsyano, Till I Met You,  The Greatest Love, Doble Kara, at Magpahanggang Wakas.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …