TUMANGGING magbigay ng reaksiyon si Direk Arlyn Dela Cruz sa desisyon ng Professional Artist Managers, Inc. (PAMI ) na pati siya ay pinarusahan. Hindi rin siya bibigyan ng mga artistang hawak ng miyembro ng PAMI ‘pag gumawa ito ng pelikula. May kinalaman ito sa reklamo ni Ping Medina na inihian siya ni Baron Geisler ng wala sa script.
Hindi raw na-handle ng tama ni Direk ang sitwasyon lalo’t responsibilidad niya ang mga artista ‘pag nasa shooting na.
Pero mabigat din ang desisyon kay Baron dahil inutusan ng PAMI ang manager nito na ‘wag ding tanggapan ng proyekto si Baron. Kailangan muna raw na ipagamot bago bumalik sa trabaho.
“Puwede ba munang pass to comment except that I am committed to finishing the film and that the actors who have worked with me on the set can speak about how I treat or treated them. Nakakapagod na. Gusto ko lang gumawa ng pelikula at tulad ng sinabi ko, sa post ko, ‘yung desisyon na parehong mawala na sina Ping at Baron dito ay napag-usapan namin ni Ping.
“Ang bago, si Karl, Ping’s kuya is replacing Ping as Efren Aguilar. May shooting na kami. I am approaching the opening scene differently kasi napag-usapan na nang husto ang scene na nasa gitna ng isyu na binago ni Baron ayon sa kanyang sariling kagustuhan sa kabila ng pagsasanay namin ng maraming beses dahil nga hindi uubra ang monitor at kable. This time, the scene will be done in an open space,” sey ni Direk nang maka-chat namin.
Si Allan Paule na raw ang ipinalit niya kay Baron sa pelikula niyang Bubog.
ni ROLDAN CASTRO