Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion, sobrang natuwa sa pagkapili ni Sharon sa isinulat na awitin

TUWANG-TUWA si Marion Aunor dahil nagustuhan ng Megastar ang isa sa kantang isinulat niya at mapapasama sa bagong album ni Sharon Cuneta sa Star Music titled Lantern. ‘Yung isa namang kanta ay para sa album ni Jona. Hindi naman alam ni Sharon kung sino ang composer ng mga kanta noong pinapili siya ng Star Music.

“I was dying,” pakiramdam ni Marion na isang Sharon ang magre-record ng kanta niya.

“Hindi ko alam kung ano ang approach kasi ..kung mag-stick ako sa classic niya na Sharon songs o  mag-take ng chance na gumawa ako ng bago na bagay din  sa kanya,” dagdag pa niya.

‘Yung bagong style raw ang ginawang kanta ni Marion at hindi niya ini-expect na magugustuhan ni Mega. Ang comment daw sa kanta ay parang new, parang current ‘yung sound kaya happy siya na nakapasa ang komposisyon niya.

So, hindi lang sa pagkanta umaalagwa si Marion kundi pati sa pagsusulat.

Abala rin siya sa pagpo-promote ng kanyang latest single na Oo Nga Pala under sa Star Music.

Actually, tuloy-tuloy din ang kanyang bar concert tour. Punompuno ang kanyang 2nd leg bar tour sa Historia Boutique Bar sa Sgt. Esguerra Avenue, QC noong December 1.Ang  first leg ng kanyang bar tour concert series ay ginanap sa 19 East Bar and Grill sa Parañaque.

Sa ginanap na concert niya sa Historia, guest sina Michael Pangilinan, Kiel Alo, Zion Aquino at ang kapatid niyang si Ashley Aunor.

Napukaw ang atensiyon namin kay Ashley dahil magaling din itong mag-perform. May sariling estilo, rocker, at komedyante rin sa entablado.

Aliw na aliw kami sa magkapatid nang kantahin nila ang Ah Ewan na pinasikat noon ng kanilang inang si Ms. Lala Aunor.

Of course, ang host ng concert ay ang kaibigang Ambet Nabus na nagpamalas din ng ilang awitin.

Bongga at talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …