Monday , December 23 2024

Botika ng bayan ibabalik ni Duterte (Pondo sa PGH, NKTI, PCH ibabalik)

ISINUSULONG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang libreng gamot para sa maralitang Filipino.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Arnel Ignacio, pinuno ng PAGCOR Community Relations and Services Department, nais ng Pangulo na gamitin ang na-i-turn-over na P5 bilyon kita ng PAGCOR sa pagbuhay ng botika ng bayan para sa libreng gamot sa mahihirap.

Ang ini-remit na P5 bilyon ng PAGCOR ay nasa ilalim ng Social Fund ng Presidente.

Ang Botika ng Bayan ay nauna nang ipinatupad sa ilalim ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ayon kay Ignacio, gusto ni Pangulong Duterte na maibibigay ang gamot mula sa reseta na hawak ng mahihirap na Filipino.

“When we turned over the five billion, his original plan is for the resurrection of the Botika ng Bayan. Kasi ang gusto ni Presidente kapag — ang pasyente ay binigyan ng reseta ito ay mabili nang libre. So, we may be… We may be doing the same project of GMA before. So ikakalat ito all over the Philippines — ‘yang Botika ng Bayan,” ani Ignacio.

Pinaghahandaan na rin ng PAGCOR ang paglalaan ng pondo sa ilang pampublikong ospital katulad ng Philippine General Hospital  (PGH), National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at Phil. Heart Center.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *