SAYANG dahil hindi naulit ang filmfest entry nina Janella Salvador at Marlo Mortel. Nasa top 3 pa naman last year ang horror movie nila na Haunted Mansion.
Anyway, masaya ang fans dahil nagbalik ang MarNella sa pelikulang Mano Po 7: Chinoy ng Regal Entertainment Inc. na showing sa Dec. 14.
Hindi na nagkakasama sa telebisyon sina Janella at Marlo dahil si Elmo Magalona na ang ka-loveteam ng dalaga pero buti na lang dahil pinagsama pa rin sila ng Regal.
Sey ni Marlo, tuloy pa rin naman ang communication nila ni Janella. Minsan ay nagkakamustahan sa Viber. Pero hindi na gaya ng dati na lumalabas sila.
Samantala, natawa na lang si Marlo nang tanungin kung naniniwala ba siya na mag-on na sina Elmo at Janella? Hindi naman daw niya nakikita at wala naman daw siyang karapatan na magsalita para sa dalawa.
Aminado siyang na-miss niya si Janella dahil magkaibigan talaga sila. Komportable sila sa isa’t isa, nagsi-share ng jokes at kung ano ang mga ganap sa kanilang dalawa.
Boom!
TALBOG – Roldan Castro