Friday , November 22 2024

Richard, positibong papatok ang Mano Po 7 Chinoy

NAKAUSAP namin si Richard Yap sa grand presscon ng Mano Po 7 Chinoy na siya ang pangunahing bida rito. Rito ay nagbigay siya ng pahayag tungkol sa hindi pagkakapili/pagkakasama ng pelikula nila sa Metro Manila Film Festival 2016kahit na isa rin naman itong quality film.

“We’re still hoping na magustuhan ng mga tao ito and they will come out to watch even if it’s not part of the festival,” sabi ni Richard.

Dugtong niya, ”I’m sure mayroon pa rin namang people who are looking for the ‘Mano Po’ franchise. Hopefully we’ll do well pa rin sa takilya.”

May pressure ba on his part dahil siya ang magdadala ng pelikula since siya ang pangunahing bida rito?

“Akala ko kasi picture ito ni Enchong (Dee, na gumaganap bilang anak niya sa pelikula) talaga eh, kaya hindi ako nape-pressure,” natatawang sagot ni tsinitong actor.

Bawi niya, hindi naman daw siya napi-pressure. Katwiran niya, ”Ang gagaling ng mga kasama ko rito so it lessens the pressure sa akin at saka hindi ko naman siya masyadong iniisip eh. Basta trabaho lang. Iniisip ko lang kung ano ang ipinagawa sa akin ni Direk.”

Sinisigurado naman ni Richard na nagampanan niyang mabuti ang role niya sa kanilang pelkula.

“Hopefully it would be enough for the audience.”

Ang ilang eksena ng Mano Po 7 Chinoy ay kinunan pa sa Taiwan. Na ayon kay Richard ang experience nilang ‘yun ay naging memorable sa kanya dahli habang naroon sila ay para na silang naging isang buong pamilya. Pero may na-experience rin daw sila roon na hindi maganda. ‘Yun ay noong bumagyo roon habang nagsu-shooting sila.

“We were in Kaohsiung going back to Taipei to shoot other scenes for that day. Kaya lang ‘yun ‘yung may Super Typhoon sa Taiwan which was about to become category 12 ba ‘yun sa kanila which is a super typhoon? So hindi makaandar ang bus ng maayos sa sobrang lakas ng hangin,” aniya pa.

Ang ginawa raw nila ay tumigil at nag-stay muna sila sa isang gasoline station doon.

“Because natatakot ang driver na mag-overturn ang bus and since it seemed to be letting up we decided to go and find a better place to stay. Buti na lang we only had to stay there for about four to five hours and we were staying under the bridge. Gutom na kami and then wala pang signal so ang hirap lang,” ang malungkot na sabi pa niya.

Ang Mano Po 7 Chinoy ay mula sa Regal Entertainment Inc. at sa direksiyon ni Ian Lorenos. Showing na ito sa December 14 in all cinemas nationwide.

MA at PA – Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Mercy Sunot Aegis

Cancer traydor na sakit, dumale kay Mercy ng Aegis

HATAWANni Ed de Leon PUMANAW ang soloista ng AEGIS band na si Mercy Sunot sa edad na 48 lamang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *