NANGHIHINAYANG si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment Inc. sa hindi pagkakasama ng pelikulang Mano Po 7: Chinoy sa taunang Metro Manila Film Festival. Kaya naman ipalalabas na ito sa December 14.
Ani Mother Lily, “May right time para sa mga indie films, sayang naman ang mga bata.
“’Yung movie namin ay isang family movie, pampamilya.
“Sana next year magbago ang decision ng selection ng pelikulang papasok Metro Manila Film Festival.”
Dagdag pa nito, “Ang Filipino naman ‘pag gusto nila ang pelikula kahit hindi pang-filmfest panonoorin nila.
Magbibida sa Mano Po 7: Chinoy sina Marlo Mortel at JanellaSalvador, Enchong Dee, Jean Garcia, Jake Cuenca, Jessy Mendiola, Kean Cipriano, Jana Agoncillo and Richard Yap, directed by Ian Loreños.
MATABIL – John Fontanilla