BALITANG nagsisimula na ang workshop nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa gagawin nilang teleserye. Pero kasabay din nito ang intriga na nasulot na umano ni Maine ang teleserye na para sa Ultimate Star na si Jennylyn Mercado. How true na AlDub na ang gagawa ng local adaptation ng Koreanovela na My Love From The Star?
“Hindi po, kay Jennylyn pa rin ‘yun,” sey ng source na malapit sa AlDub.
“Original story po ang gagawin ng AlDub,” dagdag naman ng kampo ni Alden.
So, false alarm ang chism na natsugi si Jen sa naturang serye.Walang katotohanan na My Love From The Star ang magiging launching serye nina Alden at Maine sa 2017?
TALBOG – Roldan Castro