Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jameson Blake, kinabog ang matagal ng mga aktor

BONGGA si Jameson Blake, huh! Unang pelikula pa lang kasi niya ang 2 Cool 2 Be Forgotten na naging entry sa Cinema One Original Festival 2016 pero tumanggap na agad siya ng acting award dahil sa mahusay na pagkakaganap niya. Siya ang itinanghal na Best Supporting Actor sa katatapos na awards night ng nasabing film festival.

Baguhan pa lang si Blake sa showbiz pero nagkaroon na agad siya ng Best Supporting Actor trophy. Kinabog pa niya ang ilang mga actor na matagal na sa showbiz pero hindi pa rin nakatatanggap ng acting award.

Sa nasabing pelikula ay may musturbation scene si Jameson. Na ayon sa kanya noong una ay nagdalawang-isip daw siya kung gagawin niya ang eksenang ‘yun.

“Unang-una siyempre, naisip ko na bakit ganito ‘yung scene, why do I have to do it, what’s the purpose. So si Direk (Petersen Vargas), he told me the reason to do it,” sabi ni Jameson.

“Yeah, I had thought twice about it, but I tried how to figure it out properly and stuff. It was hard for me actually, it was my hardest scene. It’s kind of a struggle, but then I managed to pull it off, and that’s what matters,” aniya pa.

Sana lang sa pagkapanalo ni Jameson ay mabigyan na siya ng serye ng ABS-CBN 2 para rito naman ay maipamalas niya ang husay sa pagganap.

Regular pa ring napapanood si Jameson sa It’s Showtime kasama ang grupo niyang Hashtags.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …