MARAMI ang nasorpresa sa biglaang pagpapalibing sa dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Isa ito siguro sa paraan na hindi naka-announce kung kailan ililibing para maiwasan ang malaking gulo dahil may mga netizen na tutol.
Pero si Robin Padilla ay pabor na ilibing sa LNMB si Marcos. Pareho raw niyang mahal sina Marcos at Ninoy Aquino. Wala raw siyang political color. Hindi rin daw mapasusubalian na may mga magandang nagawa si Marcos noong administrasyon niya.
Mga sundalo raw ang nakalibing sa Libingan ng mga Bayani. Sila ang mga bayani noong mga panahong ‘yun.
“Kung ano man ang sinasabi nila na naging atraso ni Pangulong Marcos sa kabilang partido, eh, ganoon talaga, wala po tayong magagawa,” sambit pa niya sa isang panayam.
ni ROLDAN CASTRO