Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Respeto, hiling ni Vic; Mother Lily, dapat irespeto ng indie starlet

#RESPECT ang  hashtag ngayon. Respeto ang hinihingi ng mga nagmamalasakit kay Mother Lily Monteverde na producer ng Mano Po 7 Chinoy sa pambabastos ng isang indie starlet.

Dapat ay irespeto at ‘wag maging bastos ang starlet sa isang institusyon. Si Mother Lily ay malaki ang naiambag sa industriya at maraming nagawang big stars dahil sa Regal Films. Pero ang starlet na ito, wala pang napatutunayan at ano ang naging kontribusyon niya sa movie industry?

Respeto rin ang hiningi ni Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival sa screening committee.

Deklara ni Bossing sa presscon ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers, ”Ako naniniwala ako sa salitang respeto. Respetado ko ang bawat panlasa ng ibang tao. Kasi nirerespeto ko ang panlasa ng Screening Committee. I don’t have anything personal against them, pero para sa akin nirerespeto ko ang panlasa nila na ganito, ang panlasa nila ay ganoon.

“Pero ‘pag dumarating ang Pasko, tayong mga Pinoy may panlasa minsan may pagkakaisa. Alam nating lahat na pagdating ng Pasko inaabangan ito ng buong pamilya na alam natin kung ano ang inaabangan ng mga bata. Ito ‘yung panahon lalo na sa first few days na ang nakapipili ay mga bata. Once a year nagkakaroon sila ng sarili nilang pera galing sa mga ninong at mga ninang.

“Ang masakit lang para sa akin, hindi nila nirespeto ‘yung panlasa niyong manonood ng pelikulang Pilipino.Nirerespeto ko ‘yung mga pelikulang kasama sa festival ngayon. Pero sana man lang nagsama sila ng puwedeng panoorin ng mga bata. Sabi nga nila ang kanilang desisyon ay final and unanimous, I respect that. Pero sana lang, nirespeto ng komite ‘yung panlasa ng Pinoy.Huwag mong isubo sa amin ‘yung hindi namin gustong kainin pagdating ng noche buena. ‘Yung sa amin spaghetti lang, pero masaya na ang buong pamil­ya, lalo na ang mga bata. Roon lang naman ako nalulungkot eh.”

Showing na sa November 30 ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …