Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen Adarna umeskapo, ayaw maurirat kay Baste

TIKOM ang bibig ni Ellen Adarna sa kumalat na kissing photo nila ng First Son na si Sebastian “Baste” Duterte. Pinigilan niya ang kanyang sarili at ngumiti na lang pagkatapos masambit ang salitang ”It’s not…”

Nagmadali na siyang umalis sa mga reporter na umuurirat sa kanya pagkatapos ng Q & A ng bagong serye ng ABS-CBN 2 na Langit Lupa simula sa Lunes (November 28).

Bagamat long time girlfriend ni Baste si Kate Necessario at may anak sila, hindi maiwasang may ma-link pa rin sa kanya na ibang babae gaya ni Ellen. Hindi pa naman kasi kasal si Baste.

Anyway, ibang Ellen ang mapapanoood sa Langit Lupa dahil wholesome siya at hindi pa-sexy. Mas gusto raw niya ito dahil mas mahirap daw ang magpa-sexy. Happy siya na mapapanood sa serye na swak sa mga bata at buong pamilya.

Tampok sa Langit Lupa ang dalawang child stars na sina Yesha Camile at Xia Vigor. Nandiyan din sina Yam Concepcion, Alessandra De Rossi, Jason Abalos, Patrick Garcia, Tommy Esguerra, Miho Nishida, Jairus Aquino, Sharlene San Pedro, Buboy Garovillo, Viveika Ravanes, at Kitkat. Ito ay sa direksiyon nina Carlo Po Artillaga at Myla Ajero-Gaite, kasama si Mel Del Rosario bilang creative manager, sa ilalim ng business unit na pinamumunuan ni Ruel Bayani.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …