AMINADONG nag-alangang maghubad si Coco Martin sa shower scene niya sa pelikulang The Super Parental Guardians pero ginawa pa rin niya dahil natakot daw siya kay Direk Joyce Bernal.
“It was fun. Sa akin siyempre, it was fun kahit bestfriend ko ‘yung nakahubad, may malisya sa akin,” tumatawang reaksiyon ni Vice Ganda sa nasabing eksena.
“Sa akin naman iba, hindi ako kumikibo pero pagdating ko ng set sa umaga ayaw ko ng ano… kasi ayaw ko,eh. Pero wala akong magawa dahil nakasulat ganyan tapos natatakot kasi ako kay Direk Joyce ha!ha!ha! No choice ako. Ayaw kong ma-disappoint siya sa akin, eh.’Ang arte pala nito katrabaho. Ang tigas pala ng ulo nito’. Alam mo ‘yun.. Pero alam niya kung ano ‘yung limitation, alam niya hanggang saan,” sambit ni Coco.
Pero sad ang Primetime King dahil nabigo siyang maisama sa parada ng Metro Manila Film Festival sina Simon ‘Onyok’ Pineda at Awra Briguella na kasama rin nila sa pelikula. Iba raw kasi ang pakiramdam na nakasakay sa float at nakikita ang mga tao. Gusto ni Coco na ma-experience sana nina Awra at Onyok ‘yun.
Pero kung hindi man sila nakasali sa filmfest ay alam niya na may purpose at dahilan. Na-reject man sila ay may magandang nangyayari para sa pelikula.
“Ako dumaan ako sa pagkabata na lagi kong nilu-look forward na ‘pag Metro Manila Film Festival, nanonood kami ng family ko ng movie, bonding ‘yun . Tapos noong nakasama ako sa ‘Feng Shui’ at saka sa ‘Beauty and the Bestie’, everytime na nagpa-parade ka sa Roxas Boulevard , iba ‘yung pakiramdam na nakikita mo at nakikipag-interact ka sa mga tao ng personal, na nakikita mo na napakasaya nila habang nakikita ka. Tapos alam mo ‘yung mayroon kang maisi-share at maireregalo sa kanila sa Kapaskuhan lalo na noong ginawa namin ang Beauty and the Bestie na tuwang-tuwa sila at kahit tapos na ang Pasko, parang ang saya-saya pa rin nila,” deklara ng magaling na actor.
Anyway, marami tuloy ang nagtatanong kung lalangawin ba at magiging masaya ba ang parada sa MMFF 2016 dahil bilang na bilang ang mga big star sa mga opisyal nilang entries ng MMFF? Nandiyan lang sina Nora Aunor, Eugene Domingo, Paolo Ballestros, Albie Casino, Luis Alandy, Ricky Davao, JC De Vera, Jason Abalos, Victor Neri, Rhian Ramos, Joem Bascon, Dominique Roque, Julia Barretto, Joshua Garcia, Ronnie Alonte at karamihan super starlet na. Gaganahan ba ang mga tao na pumunta sa Luneta para manood ng parade? Magtitiyaga ba ang mga fan na walang Vice Ganda, Coco Martin, Vic Sotto, Richard Yap, Enchong Dee atbp na makikita?
Anyway, back to The Super Parential Guardians, aminado sina Coco at Vice na ibang katatawanan din ang naibigay nina Onyok at Awra sa tandem. Ibang sangkap na nag-swak para lalong sumaya ang kanilang pelikula. Nakasentro rin daw sa dalawang bata ang istorya bukod sa kanila kaya napaglaruan din ni Vice ang mga bata para sumaya ang movie. Last year daw kasi silang dalawa lang ni Coco ang naglaro sa pelikula. Kumbaga, nagkaroonn ng malalim na flavor dahil sa dalawang bata. Nagkaroon ng katuwang sina Vice at Coco.
Samantala, pinaaga at pinahaba nina Vice at Coco ang Pasko dahil showing na ang The Super Parential Guardians sa Nov. 30 under Star Cinema.
TALBOG – Roldan Castro