Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, ‘di na makababalik sa Kapamilya

MARAMING nagme-message kay Kris Aquino na followers niya sa  Instagramaccount na bumalik na lang daw siya sa ABS-CBN 2 na naging tahanan niya for 20 years.

Ang sagot ni Kris ay, “But ABS CBN  no longer wants me.”

So ayun na, sa naging sagot ni Kris sa kanyang followers, ibig sabihin ay sinubukan niya pa ring bumalik sa Kapamilya Network pero hindi na siya nito tinanggap, na ayaw na  nito sa kanya.

Ano kaya ang magiging reaksiyon ng ABS-CBN sa naging pahayag na ito ni Kris?

Show ni Inah sa GMA, tsutsugiin na

TOTOO kaya itong naririnig  namin na balak na ng GMA 7 na tsugiin sa ere angOh My Mama na bida si Inah de Bellen?

Ang mababang rating daw ang dahilan at kaunti lang daw  ang pumapasok na commercials dito.

Sabagay, kung ganyang bagsak sa rating at hindi kumikita ang estasyon sa show dahil nga hindi pinapasok ng commericals, bakit pa nga naman nila itutuloy na ipalabas ito? Might as well na sibakin na nga lang nila ito sa ere. ‘di ba?

May mali rin naman kasi sa GMA 7. Alam naman nilang baguhan pa lang si Inah sa showbiz, hindi pa ito hinog para magkaroon ng sariling show, kung bakit sinugalan nila itong bigyan. Sila rin naman ang may kasalanan. Pero in fairness kay Inah, mahusay siyang umarte, huh! May pinagmanahan naman kasi dahil mahuhusay na artista ang kanyang mga magulang na sina Janice de Bellenat John Estrada, ‘di ba?

Export Surplus Garments, bukas na

ANG taunang export surplus garments sale ay bukas na para sa publikong nais makapamili ng mura pero may kalidad na produkto. Makakapamili po tayo ng damit na panlalaki at pambabae, pangmatanda, at pambata. May mga export over runs na mabibili ng per kilo sa  pinakamurang halaga at mga glasswares na produkto. Bukas ng Monday to Friday mula 9:00 a.m. to 5:00 p.m. at Sabado mula 9:00 a.m. to 12:00 noon.  Ito ay matatagpuan sa RK Manufacturing Corp.  #210 Fresno St. cor Leveriza Pasay City near Rizal Stadium behind Arellano Law School.  Contact:  Lot Balagtas: (571-1364 loc. 203,  09176210276,  09256841811. ([email protected])

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …