Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magagandang blessings kay Robin, sunod-sunod

MASAYA ngayon si Robin Padilla dahil sunod-sunod ang mga magagandang nangyayarisa kanyang buhay.

Nagkaroon siya ng bagong baby girl at maayos ang pagkakaluwal ng kanyang asawang si Mariel Rodriguez-Padilla. Nasundan pang pagbibigay ng absolute pardon ni Presidente RodrigoDuterte na magbabalik sa kanya sa lahat ng kanyang political at civil rights. Dahil dito,dali- dali na naman daw umanong nag-apply ng US Visa si Binoe para makasunod sa mag-ina niya at makadalaw.

Si Robin ay na-convict dahil sa kasong illegal possession of firearms noong 1994. Nabigyan siya ng pardon ng dating Pangulong Fidel Ramos noong 1998 pero hindi absolute.

Mababasa sa Facebook Account ni Robin na,“Purihin ang nag iisang Panginoong Maylikha !!! Ang pinakamakapangyarihan pinakadakila ang pinakamapagpala at pinakamahabagin, sa kanyang pahintulot nitong ika 14 ng Nobyembre ipinanganak ang aking anak na si  Isabella mula sa sinapupunan ng aking asawa/ @marieltpadilla , dumating Ika -15 ng Nobyembre ipinanganak muli ang aking kalayaan mula sa sinapupunan ng rebolusyon ng aking Pangulo El cid/mayor Duterte. Maraming salamat po o aming Panginoong Dios ang nag iisa at ang walang katulad… “

Samantala, malaki ang pasasalamat ni Binoe sa modern technology dahil kahit wala siya sa tabi ni Mariel napanood niya ng live sa internet ang panganganak ng misis.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …