BONGGA ang tinaguriang The Boys Next Door na si L.A Santos dahil pumirma siya ng kontrata sa Star Music kasama ang kanyang inang si Flor Santos, ang album producer /composer na si Joel Mendoza, executives ng Star Music na sina Jonathan Manalo at Atty. Marivic Benedicto.
Tinatarget na matapos ang album ni LA at mai-release ngayong December.
“Sobrang happy and blessed po ako kasi sa tiwalang ipinagkaloob po nila sa akin( Star Music),” deklara ni LA.
Si Mommy Flor ang nag-encourage na seryosohin ni LA ang pagkanta dahil mas may future siya rito kaysa paglalaro ng basketball.
“Actually, varsity player po ako ng school namin (U.S.T). Basketball talaga ang hilig ko, eh si mommy sabi niya ‘wag ka nang mag- basketball, mag- singer ka na lang kasi may career ka rito’ ‘yun po hanggang nagtuloy-tuloy na po akong kumanta at naging passion ko na rin po ang pagkanta,” kuwento niya.
Right now, naghahanda na rin si L.A dahil isa siya sa mapalad na nakalusot sa mahigit 5,000 nag- audition sa Ipop Holywood. Sampung contestants ang magiging scholars at mai-invite para sa booth camp na gaganapin sa Los Angeles, California next year, January 16-21, 2017.
Sa mga hindi nakaaalam produkto ng Ipop Hollywood si Ariana Grande, Victoria’s Secret Angels, Taylor Lautner ng Twilight at Eclipse.
Sixteen years old si LA ngayon at showbiz crush niya si Janella Salvador. Nag-request nga siya na maka-duet sa album si Janella pero hindi nakayanan ng hectic schedule ng young actress. Nagustuhan daw niya si Janella mula noong mapanood ito sa Haunted Mansion.
Ilan sa mga kantang nilalaman ng album ni LA ay Hanggang Kailan na original na kinanta ni Angeline Quinto, Miss Terror, When I Was Your Man ni Bruno Mars, Forever’s Not Enough na kinanta ni Sarah Geronimo na ginawan naman ngayon ng male version, Break Up Day, One Greatest Love, Mine, Ang Sabi Mo.
“Masarap po sa feeling ko po. Siyempre nakaka-proud din po. At happy din po ako kasi nakita kong happy si mommy ko at ‘yung mga taong involve po sa album ko. Parang feel ko po blessed talaga ako and alam ko po sa sarili ko parang umpisa pa lang po ito at marami pa akong gagawin. Siyempre wala pa talaga ako roon (kasikatan) pero I can always do my best po and ‘yun lang po. And I hope you will look soon po sa mga upcoming projects ko like mall shows, concerts, ‘yun po,” sambit pa ni LA.
Pak!
( ROLDAN CASTRO )