LAGANAP ngayon ang jolens game sa 1st district ng Tondo.
Sobrang nagtatamasa sa malaking kita ang may-ari at maintainer nito at ilang barangay chairman na may sakop sa lugar na nilalatagan ng nasabing sugal.
Isang alyas Ate Enyang, ang itinuturong maintainer nito, na sinasabing hindi kukulangin sa 100 ang nakapuwestong jolens game sa iba’t ibang lugar sa 1st district ng Tondo.
Ilan sa mga lugar na namamayagpag ang jolens game ay sa Lakandula St., Asuncion St., at sa mga bangketa ng Ilaya.
Bukod sa mga puesto pijo ay naglalatag din ng jolens game sa mga lamay ng patay na dati ay sakla o bingo.
Napakaliit ng espasyong kinokonsumo ng jolens game kung ikukumpara sa colors game na madalas natin makita sa mga perya.
Dahil nga sa liit ay hindi gaanong pansinin ito kung kaya’t sasabihin mong piyait-piyait lang na sugal pero halos parehas rin ng colors game ang perang naglalaro rito.
Iisa lang ang estilo, ang tanging kaibahan ay dice ang pamato sa colors game samantala jolens ang sa isa.
Small capital nguni’t napakalaki ng kita sa jolens game dahil walang ibang bibilhin sa paggawa ng aparato nito kundi jolens, pako at maliit na plywood.
Ang pangalawang paktor kung bakit malaki ang kita rito ay maliit ang ibinibigay na intelihensiya at kung maaari nga ay libre na dahil piyait lang ngang sugal ito kung titingnan.
Ang madalas na reklamo at silip sa jolens game ay halos 50 porsiyento sa mga naglalaro nito ay mga menor-de-edad na minsa’y pinag-uugatan ng krimen kapag nasubo na o natalo nang malaki.
Napag-alaman natin na ang ilang barangay chairman ay tumatanggap kay Enyang ng P1,000-P1,500 kada isang Linggo segun sa lakas ng laban.
Obligadong protektado nila ang sugalan sa nasasakupan nilang lugar. ‘Yan ay 24 oras!
Pansamantala muna nating hindi papangalanan ang mga barangay chairman na walang ibang iniintindi kundi ang mga sarili nilang kapakanan at wala nang pakialam sa masamang epekto na idudulot ng bisyong ito sa kanyang constituents.
Bukod sa mga chairman ay napag-alaman rin na ilang mga pulis din ang nakikinabang partikular ang isang sarhento na lumalabas na DEPU-TWO ni Ate Enyang.
Nakapasok ka na ba sa bahay ni Kuya?
SUGAL NA THREE COINS O TATLO’T WALA
TANGGAP AT LEGAL NA BA SA TONDO?
Sugal lupa kung tawagin ang three coins o tatlo’t wala na sikat at laganap sa mga residente ng Tondo.
Sa aking pakiwari, mukhang tanggap o legal dahil para sa kanila ang nasabing sugal ay puwedeng laruin o ganapin kahit saang lugar basta may sementong tatalbugan ang tatlong coins na ihahagis ng bangka. Magkakatalo lang kung sabay-sabay na magkakara o magkukrus.
Cara y cruz naman ito sa Kastilaloy.
Karaniwan na itong makikita sa iba’t ibang lugar sa Tondo lalo sa Velasquez at Bangkusay. Maging sa mga lamay sa patay, ito ang pangunahing sinusugal ng mga tao.
Talaga nga namang sugal pang-masa ito.
May pagkakataon na ito’y binubulabog ng mga awtoridad dahil nga alam na alam nating ito ay ilegal pero sa iba ay dedma na lang basta’t walang gulo at reklamo.
Ang ilang opisyal nga ng barangay ay may panukala na sana’y maging legal kahit na isang araw sa loob ng isang linggo sa kanilang nasasakupan.
Hanep ‘di ba?
Pinaka-importante raw ay puwedeng gamitin at pakinabangan ng kanilang barangay ang perang malilikom mula rito.
Fund-raising ‘ika nga?!
Sa parteng iyan ay wala tayong puwedeng sabihin, masama man ito o mabuti. May kanya-kanya tayong pag-iisip at prinsipyo, tama man o mali ay meron tayong sariling mga pangangatuwiran kung kaya’t igalang na lang natin ang opinion ng bawat isa.
YANIG – BONG RAMOS
Dyowa ni De Lima ang sagot
NASAAN na kaya ang dyowa ni Senadora Leila De Lima na si Ronnie Dayan?
Siya ang tanging makasasagot kung totoong hiwalay siya sa tunay niyang asawa kaya na-involved sa Senadora. Sabi kasi ni De Lima, ma-tagal nang hiwalay sa kanyag misis si Ronnie, Ang nakapagtataka, naturingan na DOJ Secretary noon ang senadora, hindi niya nagawang ipa-annulled ang kasal ng kanyang boypren sakaling totoo nga na hiwalay na sa kanyang msis.
***
Sabi ng Senadora sa kanyang one-on-one sa programa ni Winnie Monsod, dalawang taon ang naging relasyon nila ni Ronnie, at bago mag-eleksiyon ay hiwalay na sila. Hindi binanggit ng Senadora ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Sa ganang akin, tama na aminin ng Senadora ang kanyang naging relasyon kay Ronnie, mahirap itanggi ang isang relasyon kung naging maayos naman ang pagsasama, lalo na kung maraming magandang ginawa sa iyo ang minahal.
***
Hiwalay nga sa kanyang misis si Ronnie Dayan, kasi naman naroon sa kanilang probinsiya, habang narito sa lungsod, ang Senadora ang kanyang misis!
MGA PEKENG SIGARILYO NAGLIPANA
Walang humpay ngayon ang isinasagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa mga pekeng sigarilyo, na higit na magdudulot nang masama sa kalusugan ng bawat humihitit ng yosi. Kamakailan lang ibinulgar natin ang mga nagkalat na pekeng sigarilyo sa Balintawak Market. Mga sigarilyong Marlboro, Fortune, Winston at iba pa. Kamakailan ay isang Sepermarket sa lungsod ng Pasay ang nakompiskahan ng kahon-kahong sigarilyo. Sinalakay din ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang isang warehouse sa Marilao, Bulacan, na pag-aari ng isang tsekwa, na nakatakas sa nasabing pagsalakay.
***
Nangangahulugan na ang warehouse ng mga pekeng sigarilyo sa Marilao, Bulacan, ay posibleng nagbabagsak sa mga puwesto sa Balintawak Market, at dito rin bumibili ang cigarette vendors sa kahabaan ng EDSA.
***
Sa Sta. Maria Bulacan, meron din warehouse ng pekeng sigarilyo. Balita ko alam ni Meyor ang raket ng intsik na may-ari ng warehouse. Sa bahaging Cavite ay may warehouse din ng pekeng sigarilyo, sana hindi ito makaligtas sa mga mata ng awtoridad!
ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata