Monday , December 23 2024

APEC sa Peru susulitin ni Duterte

LIMA, PERU – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte, susulitin niya ang mahabang biyahe patungo rito para dumalo sa 24th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa pamamagitan nang pagpapakilala sa mataas na potensiyal ng Filipinas sa larangan ng pamumuhunan.

Bukas ng gabi ay inaasahang darating ang Pangulo at ang kanyang delegasyon para dumalo sa APEC Leaders’ Summit.

Sa kauna-unahang pagpunta ng Pangulo sa APEC Summit, magiging pagkakataon ito para makipag-usap sa iba pang global leaders. Kabilang sa mga nakatakdang makipagpulong sa kanya ay sina Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping.

Haharap din ang Pangulo sa forum ukol sa climate change at food security kasama ang leaders ng Japan, Mexico at Singapore.

Malaki ang tsansa na talakayin ni Pangulong Duterte ang pagsusumikap ng kanyang administrasyon na maibalik sa ayos ang “peace and order” sa bansa upang makatiyak ang investors na ligtas ang kanilang negosyo at makapagbigay sila ng mga trabaho sa mga Filipino.

Marami ang nag-aabang sa magiging komento ng Pangulo sa ikalawang pagkakataon, kay outgoing US President Barack Obama na naging kritiko ng drug war ng kanyang administrasyon.

Unang nagkita ang dalawa sa ASEAN Summit noong Setyembre at sa harap ng ilang world leaders ay ipinamukha ni Pangulong Duterte ang inutang na dugo ng mga Amerikano sa Filipinas partikular noong Fil-Am War.

Ipinakita pa ng Pangulo ang larawan ng Bud Dajo massacre na nakangiti ang tropang Amerikano sa tabi ng mga bangkay nang pinaslang nilang mga Moro noong 1920s, na ayon sa Pangulo ay ugat ng rebelyon ng mga Muslim na inaayos niya ngayon.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *