Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Lapus, ‘di na nagulat sa paglantad ni Prince Stefan

Co-star ni John sa Working Beks si Prince Stefan. Kamakailan ay umamin na si Prince na isa siyang beki. Hindi na raw nagulat si John sa rebelasyon na ‘yun ni Prince dahil noon pa raw ay alam niya nang member ng ikatlong lahi si Prince.

“Diyos ko, alam ko naman ‘yan. Naamoy, nararamdaman.

“Siguro kapag bakla ka, automatic mayroon kang third eye sa kapwa mo bakla.

“Sabi ko nga, noong ininterview ako ng PEP.PH before, hindi na ako nagulat na…

“Pero ngayon parang ang mga bakla nag-evolve..nagpa-flop ang radar ko, akala ko bakla,, hindi pala.

“Kaya tawang-tawa ako sa pelikula nina Anne (Curtis), Dennis (Trillo), at ni Paolo (Balesteros) ‘yung ‘Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?’

“Kasi may ganoon akong nakitang lalaki na ang tawag metrosexual, akala ko bakla, pero hindi pala.

“May mga nagsasabi minsan ‘yung.. bakla sa bakla.. tayo rin ‘yung prejudice eh, ‘yung porke’t bakla ka, feeling mo bakla na rin ‘yun. May ganoon, eh. So hindi mo rin masabi ngayon.

“Pero ako at the end of the day, hihintayin ko na lang silang umamin.

“Kasi parang feeling ko ‘yung mga baklang tago naman, malungkot ang buhay niyan, sigurado ako.

“Ako nga out na ako, malungkot pa ang buhay. What more pa ‘yung mga ‘yan?

“Ako puwede akong manlalaki anytime na gustuhin ko dahil alam naman ng lahat na bakla ako, paano ‘yung mga ‘yan (kloseta)?”

Ayon pa kay Sweet, ‘yung ibang mga aktor na tagong bakla na kilala niya ay sa ibang bansa na lang nagpupunta para manlalaki.

“Nakakaawa naman ang mga ‘yan, ang gastos! Mabibisto kasi sila kapag dito sila nanlalaki, ‘di ba?

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …