Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gusto kong maging big star! — John Lapus

ISA si John ‘Sweet”  Lapus sa bida sa pelikulang Working Beks mula sa Viva Films na showing na sa November 23 mula sa direksiyon ni Chris Martinez. Gumaganap siya rito bilang si Gorgeous na siyang breadwinner ng kanilang pamilya.

Naka-relate si John sa kanyang role kahit hindi naman siya ang nagtatrabaho para sa kanilang pamilya, tumutulong din kasi siya sa kanyang mga kamag-anak.

“May dalawa na akong apo (mula sa kanyang dalawang pamangkin). ‘Yung isa kong apo ang nanay at tatay, deaf and mute, 2 years old ‘yun, tumutulong naman ako sa kanila. ‘Yung isa ko namang apo tumutulong ako sa pag-aaral kasi tinda-tinda lang ang nanay niyon, ‘yung pamangkin ko waiter-waiter lang,” sabi ni John.

Tumutulong man si John sa kanyang mga kamag-anak pero may limitasyon pa rin. Ayaw niya raw kasi na sobrang umasa na lang sa kanya ang mga ito.

“’Yun naman siguro ang ipinagkaiba namin ni Gorgeous. Alam ko namang mahalin ‘yung sarili ko.

“Alam ko kung kailan ako magpo-pause. Alam ko kung hanggang saan lang ‘yung ibibigay kong tulong. Kasi ayaw ko rin naman silang kunsintihin at maging pabigat katulad ng family ni Gorgeous sa movie.

“So alam ko kung ano lang ‘yung importanteng tulong na puwede kong ibigay sa kanila, education especially. So ‘yun.

“Like ‘yung two years old siyempre alam mo naman kung ano ‘yung bibilhin mo, lampin, gatas, ‘di ba?

“’Yung five years old naman, schooling, gamit sa school, ‘di ba? Without even saying, alam na ‘yun ng mga pamangkin ko at saka niyong mga asawa nila, na hanggang dito lang, ‘di ba?

“As much as gusto mo na magbigay pa ng more…like ako minsan naiinggit nga ako, minsan nakikita ko sa Instagram ‘yung ibang mga artista nadadala ‘yung buong pamilya nila sa abroad, gustong-gusto ko ‘yun. Gustong-gusto kong gawin sa pamilya ko ‘yun.

“Mga pamangkin ko ni walang passport, hndi pa nakasasakay ng eroplano.

“’Yung isa kong pamangkin gusto raw niyang pumunta ng Boracay, pero hanggang Batanggas lang ang afford ko.

“Kaya ito ‘yung sagot ko sa statement ko na gusto kong maging big star.”

Sa tingin ba niya ay hindi pa siya big star?

“Hindi pa,” sagot ni John.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …