Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tetay, inaalat ang career, 3 beses nasilat

NAKALULUNGKOT na hindi natuloy ang pasabog ni Kris Aquino dahil hindi nakarating si  Presidente Rodrigo Duterte sa one on one interview nila sa Davao City para sa National Micro, Small and Medium Enterprises Summit 2016 ng Go Negosyo.

Hindi naman daw ini0snab ni Digong  si Kris. May effort naman daw na pumunta pero nagka-migraine at masama talaga  ang pakiramdam.

Mukhang inaalat  sa panahong ito si Kris pagdating sa hosting career niya. Tatlong beses nang nasilat ang pagka-comeback niya. Hindi natuloy ang pag-renew niya ng contract sa ABS-CBN 2 at pagkuha ng timeslot. Naudlot din  ang show na supposed to be ay gagawin sa GMA 7 under TAPE. Tapos , hindi rin nakasipot si  Pangulong Duterte sa one on one interview nila na ipalalabas dapat sa  TV5 at PTV 4.

Sey na lang ni Kris, two weeks pa naman niya pinaghandaan ang paghaharap nila ni Digong at nag-diet siya. Pero may mga ganitong pangyayari talaga sa trabaho niya na hindi inaasahan. Minsan ay may mga co-star siyang nagkakasakit.

Deklara pa ni Kris, “President Duterte, please give me a chance. I hope one day mamahalin mo rin ako.”

Hay naku, dapat siguro magpalipas muna  ng kamalasan si Kris.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …