Wednesday , February 18 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, BFF na totoo para kay Ai Ai

“BFF na  totoo ,” sambit  ni  Ai Ai Delas Alas nang pasalamatan niya si Sharon Cuneta sa pagdalo nito sa pagtanggap niya ng Solemn Investiture of the Pro Ecclesia et Pontifice Award at birthday event niya  sa Cathedral  of  the Good  Shepherd sa Regalado, Novaliches.

Hindi namin nakita si Marian Rivera na isa sa inaasahang dadalo pero  nandoon  at sumuporta rin sina  Alden Richards, Nova Villa, Jose  Manalo, Wally Bayola, John Lapus, Arnell Ignacio, Erik  Santos, Direk GB San Pedro, Direk Erick Salud atbp..

Kung  wala man si Kris Aquino,  dumating naman ang binibirong  bagong BFF din ni Ai Ai na si Kris Lawence.

Bagamat hindi na bumalik ang friendship nina Ai Ai at Kris, nag-donate si Kris ng  P50,000 para sa ipinagagawang Kristong Hari Church sa may Commonwealth Avenue, Quezon City. Nagpasalamat si Ai Ai sa kanyang Instagram Account pero Ms.  Kris Aquino na ang tawag niya at hindi na ‘friendship’.  Maituturing din na  civil pa rin sila sa isa’t isa.

Anyway, nagbiro si  Manay Lolit Solis  kung bakit P50,000 lang ang donasyon ni Kris samantalang siya ay umabot na ng P30,000z

Sey naman ng isang katoto: “Hayaan mo ..pareho naman kayong walang show.”

Nagtawanan na  lang…

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Louie Ignacio Mantsa Pilar Pilapil Gelli de Belen

Direk Louie Ignacio deretsahang ipinahayag, ayaw sa unprofessional na artista

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng kilalang direktor na si Louie Ignacio na kakaibang …

Eric Quizon JuanMeds Pharmacy

Eric hinihingi insignia sa gigibaing Dolphy Theater 

RATED Rni Rommel Gonzales GIGIBAIN na ngayong taon ang compound ng ABS-CBN na naibenta na. At kasama …

Sheryl Cruz Tina Paner Manilyn Reynes Triplets

Triplets may reunion project sa GMA

RATED Rni Rommel Gonzales USO ang reunion ngayon sa showbiz, ang latest ay ang napaka-successful …

Jose Manalo Mergene Arime Resort

Jose may bagong resort sa Laguna

MAYROONG bagong negosyong resort si Jose Manalo sa Laguna. Ito ay ang Prime Resort na naka-post sa Facebook ng TVJ. …

Maris Racal Gian Bernardino

Paandar nina Maris at Gian ng Cup of Joe ‘di kinagat ng netizens

I-FLEXni Jun Nardo PRANK lang ni Maris Racal ang post sa social media na may bulaklak kasama …