Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamilya ni Lee O’Brien, mamamanhikan na nga ba kay Pokwang?

KASAL na lang ang kulang kina Pokwang at sa American boyfriend na si Lee O’Brien pero sa January ay pupunta sa Pilipinas ang parents ng nobyo.

Kinilig siya sa tanong na mamamanhikan na ba ito? ”Ay, maganda ‘yung pamamanhikan, ‘di ba?” reaksiyon niya sa presscon  ng 8thanniversary ng Banana Sundae.

“Pero huwag mag-assume, masama ‘yun, ‘di ba? Enjoy lang kung anong mangyari,” dagdag ni Pokwang.

Noong Marso ay na-meet na raw niya ang parents ni Lee sa US at napabalita ngang pakakasal na sila.

Pero sabi ng komedyana, ang importante ay happy sila at ine-enjoy ang kanilang relasyon.

“Sa ngayon, masaya kami, enjoy-enjoy lang kami ngayon kung ano ‘yung mayroon kami ngayon. Sobrang masaya lang, ‘yun ang importante, walang stress. Nakakadagdag siya sa akin ng inspirasyon, alam mo ‘yun?

“Dati ang sungit-sungit ko sa trabaho ‘pag ano, eh. Pero ngayon, siyempre. . .Ano lang, tingnan natin sa January, pagdating ng mga pamilya rito,” sambit pa niya.

Pero, sinigurado ni Pokie na ‘pag nag-asawa na siya at magkaroon sila ng anak, hindi raw niya iiwan ang Banana Sundae.

“Sabi ko nga, ‘pag nagkaanak na kami, ‘yun ‘yung mga next batch, ‘yung mga anak-anak namin. Alam n’yo, hangga’t maaari, kahit ano pa siguro ang dumating kong proyekto rito sa ABS-CBN, hangga’t maaari ayoko pong mawala sa ‘Banana’. Gusto ko, rito ako.

“Siyempre, the more, the merrier trabaho, ako lalo, ang sakit sa likod ng tuition ng anak ko, eh. So, kailangan ko po ng maraming trabaho. Pero ang ‘Banana’, hindi ko po pwedeng bitawan. Hindi lang po dahil sa trabaho kundi dahil sa mga katrabaho,” bulalas pa niya.

Anyway, sa loob ng  walong taon, isang anniversary show ang kanilang gagawin sa Kia Theater sa Nov. 17 titled Banana Sund8.

Abangan ang pasabog na group production numbers ng Banana Sundae barkada na sina Angelica Panganiban, John Prats, Pokwang,  Pooh, Jayson Gainza, JC De Vera, Jessy Mendiola, Ryan Bang, Jobert Austria, Sunshine Garcia, Aiko Climaco, at Badjie Mortiz kasama pa ang surprise celebrity guests na sila mismo ang pumili.

Sa kabila ng pinagdaraanang mga pagbabago ng programa, nananatiling tinatangkilik ng manonood ang Banana Sundae. Ito ay consistent top-rater sa weekend at trending din sa social media dahil na rin sa hit segments tulad ng Hugot at Baby Luv at iba’t ibang spoof ng mga pinag-uusapang kaganapan sa politika at showbiz.

Ang programa ay idinidirehe ni Bobot Mortiz kasama ang segment director na si Jem Reyes, executive producer na si Rocky Ubana, creative manager na si Willy Cuevas, at headwriter na si Ricky Victoria sa ilalim ng business unit na pinamumunuan ni Reily Santiago.

Huwag palampasin ang two-part airing ng Banana Sunda8: The 8thAnniversary Special sa Nov 20 at 27, pagkatapos ng ASAP sa ABS-CBN.

ni ROLDAN CASTRO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …