BAGAMAT magkapatid sa iisang manager sina Nathalie Hart at JC De Vera, naging close sila pagkatapos gawin ang pelikulang Tisay. Dati kasi ay hi and hello lang ang drama nila. Hindi pa ba sila magiging close samantalang nakita na lahat ni JC ang kaluluwa ni Nathalie?
Tinanong namin si JC kung nagpasilip ba sila ni Nathalie sa pelikulang Tisay. Sey niya depende raw kung paano inedit ang pelikula. Basta sa love scene nila ay pareho raw silang naka-nude. Alangan naman daw nakadamit ‘pag nagse-sex.
Anyway, naging mailap ang Banana Sundae actor ‘pag tungkol sa lovelife ang issue. Gusto niya ay maging pribado ito at ‘wag kaladkarin ang pangalan ng babae kung mayroon man dahil hindi naman daw parte ng trabaho niya
Palabas ang Tisay sa Nov. 14 9:00 p.m. Trinoma, Nov. 15 2:30 p.m. Glorietta, Nov. 15 6:40 p.m. Greenhills Theater Mall, Nov.16 5:00 p.m. Glorietta, Nov 17, 8:00 p.m. Cinematheque Manila, Nov 19 3:00 p.m. Cinematheque Manila, Nov 22, 12:30 p.m. Gateway.
TALBOG – Roldan Castro