Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chops and Chokes, terms of endearment nina Jessy at Luis

MAY napipiga na kay Jessy Mendiola sa napapabalitang relasyon nila ni Luis Manzano. Kamakailan ay nag-post siya sa kanyang Instagram ng picture nila ng TV host habang akbay-akbay siya nito.

Wala pa ring opisyal na pag-amin mula sa dalawa. Pero puwedeng sabihing MU sila. Ang sabi ni Jessy masaya sila ng TV host.

Ang terms of endearment pala nila ni Luis ay Chops and Chokes.

Natanong din si Jessy kung open ba siya na maging friends sila ni Angel Locsinna ex-girlfriend ni Luis at pakli ay oo naman.

“I’m not saying na talagang chummy na friends, pero ‘di ba, panahon lang ‘yan, eh. Para sa akin talaga, kung saan siya masaya, okay. Kung saan ako masaya, ‘yun. May mga kanya-kanya kaming buhay so, parang it’s such a waste of energy kung palagi na lang tayong nagagalit sa isa’t isa para sa wala o kaya paulit-ulit na lang tayong lahat.

“Blooming naman siya ngayon, so parang, ‘di ba, ano pang sense kung bakit kailangan nating i-push pa ‘yung issue na ‘yun?”

Hindi na rin apektado si Jessy kapag may mga nagsasabi na siya ang third party sa hiwalayan nina Angel at Luis?

“Hindi, kasi alam kong hindi totoo, eh. ‘Pag alam mong hindi totoo ang isang bagay, hindi ka maaapektuhan,” deklara niya.

ni ROLDAN CASTRO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …