NABUNYAG kung bakit mangilan-ngilan lang ang proyekto ni Paolo Ballesteros. Ginusto pala ng actor na hindi pagsabay-sabayin ang trabaho lalo na’t may Eat Bulaga siya.
Actually, sumasakit nga raw ang ulo ng kanyang manager na si Jojie Dingcong dahil hindi basta-basta nakakatango ito ‘pag kumukuha ang serbisyo ni Paolo. Kailangang ikonsulta niya muna ito sa talent.
Inamin din ni Paolo sa presscon ng Regal Entertainment Inc. para sa Die Beautiful na kahit noon ay choosy siya sa pagtanggap ng roles.
Ayaw niya ng basta ginawa na lang. Gusto niya ay pinaghihirapan at hindi ‘yung nairaos lang ang proyekto.
Gaya na lang sa Die Beautiful na intended sa Metro Manila Film Festival 2016. Hindi niya mapigilan ang umiyak noong World Premiere at maging sa awards night.
First time niya kasi na napanood ‘yung pelikula. “So, alam mo ‘yon, ‘yung pagod mo, ‘yung pagod naming lahat na napanood mo, kaya naging very emotional ako… plus nakaiiyak talaga ‘yung movie, tugtog pa lang nakaiiyak na,” bulalas niya.
Natutuwa rin si Paolo sa magandang review sa Die Beautiful at na-appreciate ‘yung ginawa niya.
Talbog!
TALBOG – Roldan Castro