Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo Angeles, nabigla sa mabilis na pagsikat ng Hashtags

NOONG October 27 ay birthday ni Paulo Angeles, isa sa member ng all-male group na Hashtags na regular mainstay sa It’s Showtime ng ABS-CBN 2. Pero wala siyang naging party. Nag-dinner lang sila ng pamilya niya kasama ang ilang non-showbiz friends.

“Sa UP Town Center po kami nag-dinner. Medyo late dinner na nga po ‘yun kasi nanggaling pa ako sa ‘It’s Showtime’, nag-reherease pa po kami para sa production number namin kinabukasan,” sabi ni Paulo nang makausap namin siya sa post birthday party niya na inorganize ng kanyang fans, ang Paulo Believers Forever.

Ang birthday wish ni Paulo ay magtagal pa ang grupo nilang Hashtags at gumanda pa ang takbo ng kanyang career .

Ang Hashtags ay inilunsad sa It’s Showtime noong November ng nakaraang taon. Wala pang isang taon ang grupo pero mabilis silang nakilala at naging indemand. Nakagawa na agad sila ng album mula sa Star Music titled Roadtrip at nagkaroon din agad sila ng major concert na ginanap noong September 14, 2016 sa Kia Theater, Araneta Center billed as Hashtags: Roadtrip Concert.

Sa magandang nangyayari sa grupo nila kahit wala pa nga silang isang taon sa showbiz, masaya si Paulo. Pero nabigla raw siya.

Katwiran niya, “Kasi hindi ko rin ini-expect na ganoon..kasi sa buhay ko hindi ako nag-i-expect masyado. Hindi ko ini-expect na ganoon ‘yung magiging takbo ng Hashtags. Lalo na ‘yung concert, hindi ko ini-expect na magkakaroon agad kami ng concert.”

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …