NAIYAK si Paolo Ballesteros nang banggitin ang pangalan niya bilang Best Actor sa Tokyo International Film Festival. Ang weird daw ng feeling na sa international filmfest siya nag-win tapos naka-gown pa siya.
“Hindi ko talaga ini-expect dahil 16 pelikula ang kasali (opisyal na kalahok dahil 2000 movies ang nagtangkang sumali) . So,alam mo ‘yun ‘yung chances of winning hindi mo alam although siyempre ibinigay din namin ‘yung best namin,” deklara niya.
Inaasahan din ba niya na masusundan sa Pilipinas ang pagiging Best Actor niya?
“Sana..sana,” tumatawa niyang sagot.
Ngayong may International Best Actor trophy na siya, nagtaas na rin ba siya ng TF? Nagkaroon na ba siya ng ganoong pag-iisip?
“Kung halimbawa mayroong ganoong process tapos wala namang kukuha, ‘di waley pa rin,” praktikal niyang sagot pero napa-oo na siya ng Regal Films na pumirma ng tatlong pelikula sa kanila.
Kinilig kay Albie Casiño
Natawa rin si Paolo sa rebelasyon na sobrang kinilig siya noong makapartner niya si Albie Casiño kompara kay Luis Alandy. Napansin din daw ni Direk Jun Lana ang chemistry nila ni Albie. Totoo bang mas na-excite siya noong si Albie ang maging leading man niya?
“Ha!ha!ha! ikaw ha (turo niya kay Direk Jun). Siyempre, ‘yun kasi ang nasa script. Ha!ha!ha! Bakit ba, pogi naman si Albie?,”reaksiyon niya.
Nabunyag din na may kissing scene si Paolo sa pelikula pero ayaw nilang sabihin kung kay Albie o kay Luis ito.
Threat na kay Vice Ganda
Tinanong din siya Paolo kung willing siyang makasama si Vice Ganda sa pelikula?
Itinuro niya si Direk Lana. “Siya ang pipili eh, why not?,” pakli niya.
“Depende..Kung mag-push, why not?,” dagdag pa niya.
Sabi nila threat daw siya ngayon kay Vice Ganda.
“Buhkittt?”mabilis niyang sagot sabay tawa.
Lalo na ‘pag parehong pumasok sa Metro Manila Film Festival ang mga pelikula nila.
“Ano ba?Wala namang ganoon. Lahat naman ng pelikula na nag-submit sa MMFF, ang gusto nila ay maipakita ‘yung mga pinaghirapan nila, ganoon. So, I guess lahat ‘yan ay pare-parehas na magagandang pelikula otherwise hindi naman isa-submit, ‘di ba? So, pare-parehas lang naman kami ng aim na mapasaya at magustuhan ang audience. So, walang ano threat –threat walang ganoon,” bulalas pa ni Paolo.
Paano kung pareho ring pumasok ang Die Beautiful at Enteng ni Bossing Vic? Posibleng magkalaban din sila sa Best Actor
“Ay ‘di ano..wala naman..I’m sure hindi naman mada-down si Boss Vic. Siyempre si Bossing ang tagal na nating idol ‘yan. Kasama rin ako sa film niya, eh. Nakita ko na rin ang dedication ni Bossing. Inaabot kami ng madaling araw pero ang lolo mo talagang deadma lang, masaya lang, alam mo ‘yun. Hindi mo iisipin ‘yung sa tagal niya sa showbiz , sa sobrang successful, wala siyang demand. Hindi siya nagde-demand so, kami kahit pagod na pagod na kami, si Bossing nga hindi nagrereklamo. So, kung mananalo siya of course, deserved niyang manalo,” deklara pa niya.
‘Pag pumasok ba ang movie niya, magga-gown siya sa awards night ng MMFF?
“‘Pag natuyo ang gown ko.Charoot,” pakli niya na nagbibiro.
Ang Regal Entertainment Inc. ang magre-release ng Die Beautiful na intended for Metro Manila Film Festival 2016. Ito ay prodyus ng The Idea First Company at ng Octobertrain Films.
Ayon kay Ms. Roselle Monteverde, may personal attachment sila kay Direk Lana at ang first directorial job nito ay mula sa Regal Films kaya ganoon na rin kung suportahan nila ito. Dahil dito nagkaroon ng grand welcome presscon courtesy of Mother Lily and Roselle para kina Paolo B at Director Jun pagkatapos ng tagumpay nila sa 26th Tokyo International Filmfest.
Kasama rin sa pelikula sina Joel Torre, Gladys Reyes, Luis Alandy, Albie Casino, Lou Veloso, Christian Bables, IC Mendoza, Cedrick Juan at may ilang surprise cameo appearances pa raw sa pelikula.
Aminado si Paolo na pinahirapan at pinagdusa siya ni Direk Jun sa pelikulang Die Beautiful kaya nagka-award siya.
Wala siyang time na mag-relax at maupo kasi pagdating niya sa set, siya ang magme-make up sa sarili niya tapos kukunan kaagad at halos lahat ng eksena na kasama siya. Pinagod talaga siya.
“Minsan talaga nababanas na kami. Ha!ha!ha! Minsan ‘yung cut kasi isang buhok lang na naka-ganoon (nakatayo) , uulitin ‘yun hanggang masusuklay, maging flat. Eh, siyempre wig ‘yung buhok namin, paano mo mapa-flat ‘yun? Pero siya, hindi talaga siya titigil hangga’t hindi nakukuha ‘yung gusto niya. Pero at the end of the day, kapag natapos naman ‘yun , tinitingnan na namin, Diyos ko day, ang ganda ng mga hitsura namin, ang ganda ng shots,” kuwento pa niya.
Blessings in disguise ang pagkakasuspinde sa EB
Na-realize ba niya na blessings in disguise ang pagkakasuspendi sa Eat Bulaga kaya nakagawa siya ng dalawang pelikula at nagka-award pa siya?
“Hindi naman blessings in disguise. Lahat naman ay nasa right timing lang. Siyempre, hindi ko naman gusto o ginusto na magbakasyon sa ‘Eat Bulaga’, hindi rin nila gustong pagbakasyunin ako. Nagkataon, nagka-sala-sala llang ang tamang panahon,” sey pa niya.
Talbog!
TALBOG – Roldan Castro