SA interview ni Jodi Sta. Maria sa Cebu Daily News ng Philippine Daily Inquirer, inamin niya na minsan ay nagawa na rin niyang gumamit ng droga matapos nilang maghiwalay ng mister niyang si Pampi Lacson.
Pakiramdam daw kasi noon ni Jodi ay hindi na siya makababangon muli dahil isa na raw siyang “segunda mano.”
“Before becoming a workaholic, I became an alcoholic. I drank day and night. I even drank during tapings, ang gusto ko kasi masolusyonan ‘yung feeling ko of pain and emptiness. When alcohol wasn’t enough, I turned to drugs,” simulang sabi ni Jodi.
Patuloy niya, “I felt empty. I pretended to be okay when the truth is hindi naman talaga. I was in and out of bad relationships that left me all the more wounded and broken.”
Lalo pa raw lumala ang kakulangang naramdaman ni Jodi noong kasagsagan ng annulment nila ni Pampi.
“My life was such a mess na hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. I needed attention. I needed acknowledgment. It even showed in the relationship I had with him. No matter how unhealthy and abusive, I stayed in the relationship because it felt okay, may nagmamahal sa akin at may nakakapansin.”
Ngunit nagbago raw ang pananaw niya sa buhay nang hikayatin siya ni Coney Reyes na dumalo ng church service ng Victory Christian Fellowship. Pero matagal bago raw siya nakumbinsi ni Coney na magbalik-loob sa Diyos. Umabot pa raw muna ito ng apat na taon. Taong 2014 daw nang sa wakas ay dumalo roon ang mahusay na aktres.
“Nahihiya na kasi ako, kasi ang tagal na niyang ini-invite ako. But there, roon ko nakilala ang Panginoon,” kuwento pa ni Jodi.
At least, nagawa pa ring iwan ni Jodi ang masamang bisyo. Itinigil niya ang paggamit ng droga at nagbalik-loob na siya sa Panginoon.
MA at PA – Rommel Placente